PHASE 21
Nara's Pov
"Aray" sabi ko at napabangon sa kama. Nasaan ako? Bakit pamilyar sa akin ang lugar na to? Napunta na ba ko rito?
"Gising ka na pala" napatingin ako sa right side ko at doon nakaupo sa may sofa si One. No! It's
"Luhan" nakita ko ang ngiti sa mukha nya at dahan dahan lumapit sa akin.
"I miss you" sabi nya ng makaupo sya sa kama na hinihigaan ko at hinawi ang mga buhok ko.
Nabigla na lang ako ng tumulo ang mga luha sa mata ko at napayakap ako sa kanya. Naramdaman ko rin ang pagyakap nya kaya lalo akong naiyak.
Bakit ba ang drama ko?
"Cry baby" sabi nya ng maghiwalay na kami sa pagkakayakap.
"Tss. Palibhasa ikaw naalala mo lahat" sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"I know, I'm sorry" sabi nya habang nakahawak sa mga kamay ko.
"Grabe 8 months na pala simula nung huli tayong magkasama" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Nope, 6 months lang kasi nagkita tayo me as One and you as Demi" sabi ni Luhan habang natatawa tss, palibhasa wala syang kondisyon katulad nun akin.
"Oo nga pala, sorry ah. Ngayon ko lang naalala" sarcastic na sabi ko. Nakita ko naman ang pagngiti ni Luhan.
"Di ka naman mabiro" sabi nya at bahagyang lumayo sa akin tsaka ulit nagsalita.
"Anyways, what do you think dun sa collaboration natin?" malawak na nakangiti na sabi ni Luhan.
"Ahmm ... As a beginner you're good pero minsan ang sarap mo ng sigawan kapag paulit-ulit na out of tune ka" sabi ko at pinagmasdan ko na mawala unti-unti yung ngiti nya pfft sarap talaga neto asarin e.
"You're mean" sabi nya hahaha.
"Ikaw rin naman kanina psh" tama ba naman kasing ipaalala sa akin na wala akong matandaan tss.
"Fine, my fault. I'm sorry" sincere na sabi nya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
"It's okay, I'm just teasing you lang naman" sabi ko at tumayo na sa kama dahil nakaramdam ako ng kalam ng tyan.
"Anong oras na pala?" tanong ko at habang naglalakad papalabas ng kwarto. Well this is Luhan's house madalas kami rito noon pa kaya kabisado ko na.
"Its 7:30 pm" maaga pa pala ibig sabihin 30 mins lang pala ko nakatulog kanina after Luhan decided na ipaalala sa akin ang lahat.
"Would you like a sandwich?" tanong ni Luhan. Nag nod lang naman ako sa kanya kaya nagsimula na syang gumawa. Feeling ko dahil sa breakdown ko kanina nagutom agad ako.
"Here" sabi nya at abot ng sandwich and of course ang palaman ay chicken spread.
"I just remembered ang dami mo palang kasalanan sa akin, when we were in Cebu talagang dinala mo pa ko roon sa bundok na puro spiders" alam nya naman na takot ako pero pinaakyat nya pa rin ako tss
"I want to spend time with you that's why I did it" sabi nya at inabot sa akin ang Iced tea na tinimpla nya.
"Tss, anyway kamusta na pala si Kuya Samuel di ko naman kasi sya nakakausap as Demi" close ako kay Kuya Samuel dahil best friend/pinsan sya ni Luhan, kahit 10 years ang agwat nila ni Kuya Samuel, Sya na rin kasi ang naging second father ni Luhan.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Ficción GeneralLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...