PHASE 30
Andito kami ngayon sa Sky entertainment building, nakamanman sa kung anong meron sa loob at kung may makikita kaming posibleng konektado kay One dahil yan ang utos ni Sir JD.
"Dalawang oras na tayong andito" inip na sabi ni Philip habang nakasandal sa kotse nya.
"Mukhang wala naman talaga silang alam kung sino si One" sabi pa nya at pumasok na sa loob ng sasakyan tss. Sinulyapan ko si Philip na mukhang wala na talagang gana magmanman. Kanina nagtanong na rin kami sa mga lumalabas dyan pero wala naman silang ideya kay One.
Kainis, mas okay sana kung mapapasok namin yung loob para mas makakuha kami ng impormasyon kesa dito lang sa labas. Napatingin ako sa oras at lunch time na pala kaya pala kumakalam na yung tyan ko huhu.
Tinignan ko si Philip na mukhang inip na inip ng nakatayo dito sa labas ng sasakyan nya.
"Totoo, yun ang narinig ko kanina na pinag uusapan nila Boss?" napatingin ako sa mga babaeng naglalakad papalapit sa direksyon namin mukhang mga empleyado sila doon sa Entertainment na to.
"Alin yung kay One?" One? Napatingin ulit ako sa mga babae na papalapit sa amin pero nagulat ako ng makita ko si Philip sa harapan nila.
Ano naman kaya gagawin nito?
"Miss, pwede magtanong?" sabi ni Philip. Napakunot ang noo ko habang nakatingin ako sa tatlong babae na nakaharap si Philip, huwag mong sabihin type nya ang isa mga babae na yan tss.
Akala ko pa naman mataas standard neto, kung tutuusin mas maganda pa ko sa mga yan psh.
"Oo naman kuya, ano po yun?" ngiting ngiti sabi nung nakayellow na long sleeve na babae at halatang halata ang pagpapacute eww.
"Saan ba dito papuntang Thyme Village?" tanong ni Philip. Thyme Village? Ano naman gagawin nya dun?
"Ahh... Diretsuhin nyo po ito, tapos unang kanto po sa kaliwa liko kayo malapit na po dun yung Thyme Village" pabebeng sagot nung babae habang nakangiti na kulang nalang lumabas yung buong gums nya.
"Ganun ba, thank you so much. By the way Philip nga pala" pakilala ni Philip habang naglahad ng kamay. What the! Nakuha nya pa talagang makipaglandian sa gitna ng trabaho tss.
"Ahh... My name is Roxanne, Nice to meet you Philip" sabi nung Babae at inabot ang kamay ni Philip tss.
"Nice to meet you too" sabi ni Philip. Napairap na lang ako at pumasok na ng sasakyan dahil naiirita na ko sa nakikita ko. Ano imbis na unahin ang trabaho nakipaglandian pa sya, kung sabihin ko kaya yan kay Sir JD psh.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng driver seat at sino pa syempre si Philip. Tinignan ko sya at ayun balik na naman sa pagiging seryoso samantalang kanina kung makangiti sya sa Roseanne na yun tss. Nakakaasar!
"Kamusta naman yung Roseanne?" tanong ko. Nakita ko ang pag kunot ng noo nya at bumaling sa akin ng tingin.
"Sino naman si Roseanne?" tanong nya. Patay malisya pa to tss. Sarap batukan.
"Yung babaeng kausap mo po kanina, Ano nakuha mo ba ang number nya?" naasar na tanong ko. Nakakainis kasi idedeny pa parang wala naman ako kanina sa labas.
"Roxanne tss" sagot nya at may pinagpipindot sa cellphone nya. Wow, tandang tanda talaga ang pangalan, yung trabaho kaya namin tanda nya pa?! Bwisit! Kung wala lang talagang pinapagawa si Sir JD nilayasan ko na tong lalaking to.
"And I don't get her number" sabi pa ni Philip kaya napatingin ako sa kanya.
"Di ka siguro type" sabi ko. Tsk, kawawa naman pala sya pero okay na rin na yun para makafocus sya sa trabaho namin.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Fiksi UmumLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...