PHASE 40 - FINALE
Narrator's POV
Mabilis na nakarating si Nara sa security room dahil naibigay na rin nila Faye ang direksyon papunta roon. Nang makapasok sya sa kwarto ay umupo agad sya sa harap ng computer at sinimulan ang dapat nyang gawin.
Sa kabilang banda sila Luhan ay nakarating na rin sa kung saan idadaos ang presentasyon ngayon gabi, dumiretso sila isang kwarto kung saan doon titipunin ang mga grupong gustong magpresenta ng kanilang kakayahan upang magkaroon ng katungkulan sa organisisayon.
Ang gabi ito ay hindi lang para sa paghahanap ng bagong papalit sa nawalang leader ng organisasyon isa rin itong mahalagang gabi sa ibang grupo upang patunayan nila ang estado at kakayahan ng kanilang grupo at magkaroon ng magandang reputasyon sa organisasyon.
Sandali lamang nanatili roon si Steven at lumabas din upang sabihin na malapit na magsimula ang presentasyon. Nang makarating sya sa kung na saan ang mga dumalo ngayong gabi ay kusang tumahimik ang buong paligid at nalipat ang atensyon sa kanya ng lahat.
"Welcome everyone, we will start the presentation in 15 minutes." Tanging sabi ni Steven at umalis na rin doon at bumalik kila Luhan. Saktong pagpasok nya naman ay andoon si Gomez at kausap si Luhan.
"You know that you will face the same punishment of Perry if all of this is fail" sabi ni Luhan habang seryosong nakatingin kay Gomez.
"I know kaya nga sinisigurado ko sa inyo na magiging maayos ang lahat" kumpyasang sabi ni Gomez pero hindi pa rin mawawala ang kaba na nararamdaman nya dahil kapag palpak si Perry siguradong sya ang sisihin ng buong organisasyon.
"That's good to hear, Gomez" sabi ni Steven kaya napalingon sa kanya si Gomez dahil nasa may pinto pa rin sya hanggang ngayon.
"Dahil meron kaming nakitang kahina-hinalang transaksyon ni Perry at sigurado kong alam mo yun, tama?" tanong ni Steven habang naglalakad papalapit kung na saan sila Luhan at Gomez.
"Of course, haha, alam ko lahat ng ginagawa ni Perry" sabi ni Gomez habang naka-ngiti. Kung nagpapanggap lamang syang kumpyansa sya kay Perry ay mahusay syang magpanggap yan ang nasa isip ni Samuel dahil wala ka talagang mababakas na takot o pangamba kay Gomez.
"You can leave us now and we will let you know once its Perry's turn" sabi ni Luhan kaya nagpaalam na rin si Gomez at lumabas ng kwarto.
Sa isang banda, tahimik na nagmamasid at nakikiramdam lang naman sa may lobby ang Team nila Yuri marami rin mga iba't-ibang tauhan ng mafia ang andito. Ang team nila Yuri ang nakatalaga' sa exit ng lahat sila ang bahala sa sasakyan nagagamitin.
Napatingin sila lahat sa kanilang telepono ng biglang magvibrate ito at isang encrypted message ang na receive nila.
"This is from Nara" sabi ni Yuri sa lahat. Muli nyang tinignan ang message at binuksan ito may password ang message at sila lamang ang nakaka-alam nito pagkabukas nya sa mensahe isang prompt message ang lumabas at eto ang makikitang message: 'L3EPX@N'
"Lee 3rd Floor East Parking lot, Exit at North" sabi ni Seven na sapat lang upang marinig ng lahat ng kasama nila.
"That's the location where the Lee's enter and will exit" sabi ni Yuri at mukhang naintindihan na naman iyon nila Raine at Rose dahil sa kanilang lahat silang dalawa lang ang hindi alam ang kahulugan ng mensahe ni Nara.
"So, Me and Philip will go there, all of you will stay here" dugtong pa ni Yuri. Sumang-ayon lang naman ang lahat kaya nagtungo na rin sila Yuri at Philip roon, malinaw ang mensahe ni Nara na roon lalabas ang mga Lee.
![](https://img.wattpad.com/cover/272489856-288-k37417.jpg)
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...