PHASE 16
Nara's POV
"Demi!" tawag sa akin ni Raine na nakapagpabalik sa wisyo ko.
"Are you alright?" tanong ni One na nasa harap ko. Tinignan ko lang sya dahil ang linaw ng naalala ko kanina sya yung nagsabi ni ng Ma--shit ano bang pinagsasabi ko. Kulang yata talaga ko sa tulog.
"I'm okay" nakangiting sabi ko at bumaba na ng sasakyan. Hinawakan nya pa ang kamay ko para alalayan sa pagbaba at for the second time naramdaman ko na naman ang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Kaya mabilis kong inalis ang kamay ko ng makababa ako.
Ngumiti naman sya sa akin at...
'I'm not scared of loving you, love' napailing ako at napahawak sa ulo ko. Ano ba kasi yun? Bakit bigla-bigla na lang ako may naalala na ganun o nanagiginip lang ako ng gising tss.
"May masakit sayo?" tanong pa ni One. Umiling ako at nauna ng maglakad papuntang dressing room para mag-ayos na.
Pagkarating ko dun nai-ayos na ni Raine ang mga gamit. Kaya pinaupo nya na agad ako at sinimulan make-upan.
"Just lay down there like you're thinking of someone you miss" sabi sa akin ng AD (Assistant Director) habang tinuturo yung kama na nakaset up para sa music video. Nakita ko pa lang yung kama inaantok na ko e, wag sana kong makatulog hahaha.
Pumunta ako dun at humiga kagaya ng sinabi nila pina-ayos pa nila yung higa ko at ginulo-gulo yung kama.
Etong kasing first music video ay love song, ang title ay Start of love, melo ang sound nya pang senti. Pero meron din kami nung pang pop, since yun ang genre ko at ni One.
Pero sa mga susunod na araw pa namin yun isoshoot since di pa rin namin na papractice ang choreo para roon.
Arte-arte lang ginawa ko sa MV namin. May solo part si One at meron din ako at meron din magkasama kami. Mabuti nga di ako nailang sa kanya ewan ko ba rito sa nararamdaman ko nabubuang na ata ako.
"Seen this" sabi sa amin ng Director at pinakita ang shot namin together.
"See you look really inlove" komento nya pa habang ngiting-ngiti sa panunuod.
Makalipas pa ang ilang oras natapos na rin ang 1st day of shoot. At inabot na kami ng gabi kaya inaantok na talaga ko huhu.
"Bye! Thank you!" sabi ko sa mga staffs bago ko sumakay ng sasakyan. Bago pa maisara ang pinto nakita ko si One na nakatingin sa akin at yun tingin nya ay parang worried na ewan.
---
Author's POV
Pagkatapos ng shoot ng music video nila One at Nara ay mabilis na sumunod si One sa sasakyan ni Nara para sundan ito.
"Mukhang maayos naman ang lahat. Bakit ka ba nag-aalala dyan" sabi ni Samuel kay One habang abala sila sa pagsunod kay Nara.
"Kahit kailan hindi naging maayos ang lahat" sambit ni One na hindi inalis ang tingin sa sasakyan ni Nara.
Makalipas ang ilang minuto nakarating sila sa bahay nito, nakita nya rin na bumaba si Nara galing sasakyan kaya napanatag na ang loob nyo.
"She's safe" banggit nya habang pinapanuod si Nara mula sa punong inakyat nya para makita ang pagpasok nito.
Ilang sandali pa syang nanatili roon at bumaba na rin.
"May balita na ba kay Salazar?" tanong ni One kay Samuel.
"Wala at mukhang di naman to nagsasalita" sagot ni Samuel.
"Umalis na tayo" utos ni One kay Samuel.
---
JD's POV
"Alam mo kanina ka pa tulala dyan" masungit na sabi sa akin ni Dara kaya napatingin ako sa kanya.
"May iniisip lang" sabi ko. Gusto ko sanang maglambing sa kanya dahil kaming dalawa lang andito sa Special Facility kaso di ko naman magawa dahil sa mga gumugulo sa isip ko.
"Tungkol na naman yan dun sa gamot na natuklasan nyo no" sabi nya habang abala sa pagcocomputer. Andito nga pala kami sa Black floor.
"Yeah" walang ganang sagot ko.
"Tell me, ano ba yung tingin mo dun?" tanong nya at ibinaling ang tingin sa akin. Shit! Ang ganda nya talaga, napangiti pa ko dahil sa thought na yun.
Kaya binato nya ko ng ballpen na hawak nya.
"Wag mo kong titigan, magsalita ka dyan" mataray na sabi nya. Di pa sabihin kinikilig kapag tinitigan ko sya e pfft.
"I just think na baka nagamit na nila sa isang tao ang gamot na yun" sabi ko dahilan para kumunot ng noo nya.
"Diba kayang i-scan ni Black ang buong pilipinas kung kanino man yan nagamit" sabi ni Dara.
"Yes, all people except..." sabi ko na kinataas ng kilay nya kaya dinugtungan ko agad.
"Me and Nara" Black can't access any information about us not until we allow him to do so. Since kami ang may hawak sa kanya.
"Are you saying na posibleng ginamit na nila kay Nara yung gamot na yun?" tanong ni Dara. Sya palang ang unang pinagsasabihan ko lahat ng conclusion ko sa mga nangyayari.
"I am not sure but maybe, because Lee's can only the one who can use it and remember what happened 4 years ago" that's during Nara's debut. Dara nodded to me and start to think.
"Also..." nabaling ulit ang tingin nya sa akin kaya napangiti ako ng palihim, I can't stop thinking how gorgeous she is. Mabilis kong iniba ang tingin ko bago nya pa ko ulit mahuling nakangiti at nakatitig sa kanya.
"Dead people, maybe Lee's keep using it but they are all dead since you can only use it 4 times" napatango ulit sya sa sinabi ko at tsaka nagsalita.
"So, maghuhukay tayo ng bangkay?" natatawang sabi ni Dara tss.
"Joke lang, masyado ka kasing seryoso e" sabi pa nya.
"Pero bakit hindi mo idiagnose si Nara" suhestyon nya.
"I can't kailangan sya mismo ang mag-authorize na gawin yun sa kanya at hindi pupwedeng malaman ni Nara ang tungkol dito, not now." hindi ko alam pero parang may pakiramdam ako na may mali sa mga nangyayari hindi lang sa amin kundi pati sa mga mafia.
"Then what we will do?" I just shrug to her question since di ko pa rin naman talaga alam ang gagawin.
***
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...