PHASE 17
Nara's POV
"To the left, to the right then down" nakatingin ako kay Raine na parang zumba instructor sa ginagawa nya. Sinasabayan nya kasi yung pagtuturo ng choreo namin at mukha syang tanga.
"Raine, sit down" utos ko na agad nya naman sinunod.
"Diba dapat nag performer din ako, sayang talent ko e" confident nyan sabi tss.
"Mukha ka ngang inaasinan na bulate, anong sinasabi mong talent" pang-aasar ko kaya sumimangot sya sa akin.
"Nagets mo na ba Ms.Demi?" tanong nung choreo namin.
"Yes po" nakangiting sabi ko.
"Sige, break muna tayo" sabi nya at lumabas ng dance studio. Pangalawang kanta na kasi namin yun at alam na namin yung una at eto naman pangalawa medyo light lang yung choreo.
"Ah. Demi" napatingin ako kay One na nakatayo sa gilid ko.
"Bakit?" tanong ko. Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Raine at nakita ko na nagumpisa na naman syang magsasayaw tss.
"Ahh. Ano?" umupo sa tabi ko si One pero di nya pa rin masabi ang sasabihin nya. Kaya kumunot na ang noo ko.
"I just want to ask if you are free tonight?" may sakit ba tong si One bakit parang bigla syang nagbago? Dati naman cold lang din to makitungo ah.
"Bakit? Mang lilibre ka ng dinner?" nakangiti kong tanong. Kaya napangiti rin sya, edi sya na may killer smile.
"Yeah, game?" One.
'Let's play a game' napahawak na naman ako sa ulo ko at nagflash na naman ang kakaibang scene.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni One.
"O-oo" sagot ko pero parang kumikirot na naman ang ulo ko.
"Gusto mo magpahinga muna?" he asks. Nag smile ako sa kanya para ma-assure na okay naman ako.
"Mag rest room lang ako" paalam ko at lumabas na sa dance studio.
Pumasok ako sa malapit na restroom at naghilamos. Bakit ba these days parang may mga memories na bumabalik pero parang ang unrealistic.
I mean, how could One be part of my lost memory? Masyadong magulo yung mga naalala ko.
Magpatingin na kaya ako sa doctor baka may problema na ko sa pag-iisip huhu.
Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at...
'Mabuti may salamin kang dala' sabi ko habang nagkikilay ako. Nabasag kasi kagabi yung salamin ko nadaganan ko ata nung hinatak ako pataas ni One galing bangin at napahiga ako.
'Yun okay na' sabi ko habang nakangiti kay One. Nag-away pa kasi kami kanina ang gulo nya kasi humawak ng salamin di ko makita ng maayos kaya ayun dinikit nya sa puno.
'Are there any changes?" takhang tanong nya habang nakatitig sa akin.
'Hoy! Grabe ka magsalita ah!" parang sinabi nyang panget pa rin ako mapakilay man o wala.
'Why? I am just curious you spent 30 minutes there and yet you still look the same' ay sige ipamukha pa sa akin na panget ako tss. Umalis na ko dun at babalik na sa tent ng may sabihin pa sya.
'Always gorgeous with or without that' napatigil ako sa paglalakad at napalingon kay One na abalang sa pagtatanggal ng salamin.
'What?' tanong sa akin ni One ng makaharap na sya sa akin.

YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Ficción GeneralLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...