"So, you're One?" narinig kong tanong ni Kuya JD. Kahit di pa ko nakakapasok sa Recording Studio dama ko na ang masamang aura nito.
Kaya naman pumasok agad ako at nasanggi ko pa si Kuya Rio at Kuya Darwin sa ginawa kong pagpasok. Nakita ko rin ang gulat sa mukha nila kaya ngumiti na lang ako.
"Ah... Ano, Kuya may gagawin pala kami ni One naalala ko. Sa susunod na lang natin pakinggang yung kanta" sabi ko at sinenyasan ko si One na sumunod na sa akin pero parang di nya ko nakita. Kaya hinawakan ko na sya at sinubukan hatakin pero parang na statwa sya doon.
"Tinatanong namin sya Demi, pasagutin mo muna sya" sabi ni Kuya Tobi kaya binatawan ko na si One. Bakit ba kasi ayaw pang umalis netong mokong na to e.
"Yes sir, I am One Legazpi" magalang na sabi ni One at yumuko ng kaonti. Nakita ko rin ang pagform ng fist nya andun kasi sa likod nya ang mga kamay nya at katabi nya lang ako kaya nakikita ko pero bakit nya ginawa yun? Ganyan kaya sa pagkinakabahan? May pawis na rin kasi sya sa gilid ng mukha nya.
"Good. We heard you're a good singer and everyone loves you, you even dominated China and North America. I wonder how you do that in a short period of time being in Entertainment world" makahulugan sabi ni Kuya JD, aish. Ano bang pinagsasabi netong si Kuya. Sila nga nung first year nila as official group halos buong mundo ang tumangkilik sa kanila. E si One I heard 5 years na sya sa Entertainment world di nga lang nabibigyan ng magandang break at ngayon lang.
"I think it's just the perfect timing and you can all do that" simpleng sagot ni One. Aish, bakit ba kasi ngayon pa pinapunta ni Kuya Teddy tong si One alam nyang andito sila Kuya.
"Perfect timing huh, that's noted. And may gagawin pa pala kayo ni Demi iwan na namin kayo" sabi ni Kuya at nauna ng lumabas kaya nagsisunuran na rin sa kanya yung members nya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas na silang lahat at kami na lang ni One ang andito.
"Hayy!" sabi ko at napaupo na sa sofa.
"Okay ka lang?" tanong ni One at naupo na rin sa sofa.
"Bakit ka ba kasi andito?" tanong ko.
"Ngayon nakasched yung second recording natin e" casual na sabi nya. Napatango na lang ako sa sinabi nya.
"Masstart na ba tayo?" tanong pa nya. Nagnod lang ulit ako at tumayo na para makapagsimula na.
---
RIO'S POV
Pagka-alis namin sa headquarters agad kaming pumunta kung nasaan si Salazar. Pagkarating namin doon tatlong gate ang nilampasan at tatlong matitinding inspection din ang ginawa.
Sa Special Facility kasi namin kinulong si Salazar para siguradong hindi sya mabawi o mapapatay ng Dark Society. Pagkababa pa namin ng sasakyan sampung guards ang nakaabang sa pinasukan namin. May high-tech security features din ang pintong yun sa pagdaan lang namin nascan nya na kung authorized kaming pumasok at kung may armas kaming dala.
Sa tuluyan pagpasok namin isa sa mga kwarto dito ay nakakulong si Salazar. Ginuide naman kami ni Lysa kung nasaan ang kwarto nya. Hindi kami mismo sa kwarto nya pumasok kundi sa katabing kwarto kung saan nakikita namin sya dahil salamin lang ang pagitan namin. Nasa isang maliit na kwarto lang sya at isang bangko lang nasa loob nun.
"Napakain na namin sya kanina at mabuti kinain nya naman" sabi ni Lysa.
"Dapat lang mabuti nga pinapakain pa natin sya e" sabi ko. Aba ang swerte nya kung tutuosin sa ibang nahohostage no.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Aktuelle LiteraturLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...