PHASE 22

2 0 0
                                        

PHASE 22

Nara's POV

"Mukhang maganda gising natin ah" sabi sa akin ni Raine na abala sa pag aayos ng gamit ko.

"Oo di kasi kita nakasama ng matagal kahapon" sabi ko at umupo sa harap ng salamin. Andito kasi kami sa photoshoot ng album cover namin ni One.

"Tss, sabihin mo matagal mong nakasama si One pfft" natatawang sabi nya.

"Ano connect ni One dun?" walang emosyong sabi ko. Alam ko naman di slow tong si Raine pero di rin naman pupwede na malaman nila.

"Sus, minsan ka lang mainlove kaya halata agad sayo yun" sabi ni Raine habang nakatingin sa mga mata ko kaya mabilis akong nag iwas aish. Dapat talaga kinalimutan ko na lang ulit lahat hindi yung ganito, feeling ko hindi ko kayang magtago ng sikreto.

"Okay lang yan, di ko naman sasabihin kay Sir JD" pabulong na sabi sa akin ni Raine. Kaya siniko ko sya dahilan para matumba sya psh.

"Aww. Ang sakit nun Nara ah" sabi nya habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa lapag tss.

"Can we start?" mataray na tanong ko. Inaasar nya lang ako baka di ko na mapigilan sarili ko, masabi ko na talaga huhuhu. Kainis!

Natapos namin ni Luhan ang photoshoot ng matiwasay at mabuti wala ulit ang makulit na si Raine, pinatawag daw kasi ulit sya ni Kuya Teddy. Malamang tungkol naman yun kay Bobby dahil malapit na rin syang magcome back it means sasabak na naman sya missions huhu, namimiss ko na rin.

"Lunch together?" casual na tanong ni Luhan habang nakangiti sa akin. Hayy, gusto kong maglambing kaso bawal psh.

"Sure" sabi ko. Nakita ko rin si Kuya Samuel sa di kaluyuan na nakangiti sa akin.

"Mam, halika na po?" nagulat ako sa pagsulpot ni Philip. Sya nga pala kasama ko ngayon.

"Kakain lang kami nila One, do you want to join? We will also talk about the possible songs to add in album." Sabi ko. Kilala ko si Philip ayaw nyang nakikisawsaw sa mga ganitong usapin, kaya madalas nasa sasakyan lang sya.

"Saan po ba kayo kakain mam?" tanong nya.

"Just a few meters here and Demi can ride to us too, kung di ka makakasama" sabi ni Luhan.

"Sige po, just message me mam kung susuduin ko na po kayo" Philip.

"Okay" sabi ko. Nag nod lang naman sya at umalis na rin.

"Let's go." Sabi ni Luhan at naglakad na kami papunta sa parking. Pagkarating namin sa sasakyan andun na rin si Kuya Samuel.

"Kuya! Kumusta na?" tanong ko pagkapasok ko sa sasakyan. Sya ang nasa driver seat at kami naman ni Luhan ang nasa back seat.

"Wow. Sa wakas di ka na weweirduhan sa akin haha" sabi ni Kuya kasi naman nung di ko pa sya maalala madalas ko syang nakikita na nakatingin sa akin tapos biglang ngingiti feeling ko tuloy creepy sya.

"Si Demi yun, ako si Nara hahaha" sabi ko.

"Ganun ba, kung ikaw nga si Nara marami kang atraso sa akin hahaha" masayang sabi ni Kuya.

"Naku, mukhang nagtrain yan Sam natalo ako e" sabi ni Luhan. Mahilig kasi kaming tatlo maglaro ng games, kahit anong games basta competitive kaming tatlo and yun ang bonding namin everytime na magkikita kami.

"Ganun ba, mukhang mahabang labanan to hahaha" sabi ni Kuya Samuel at inistart na ang sasakyan.

...

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now