PHASE 34

1 0 0
                                    

PHASE 34

Nara's POV

Tatlong araw na simula nung umuwi ako dito sa bahay at mas maayos na yung lagay ko. Ngayon din pinayagan na ko ni Kuya na bumalik muna sa pagpractice dahil bored na bored na ko.

Sila naman napaka busy at halos di muna sila makausap o makita sa loob ng tatlong araw. Kahapon din nakapag eavesdrop ako sa kanila at nalaman ko na tumutulong sa kanila si Tito Julian.

Hindi ko alam pero feeling ko may alam si Tito Julian na hindi naming alam, dahil sinabi sa kanya ni Kuya na kung wala raw si Tito baka hindi nya na alam ang gagawin.

Sinubukan ko naman kausapin si Tito tungkol sa nakaraan nya, pinagkukwento ko sya pero wala naman syang nababanggit sa akin tungkol sa mafia o assassin. Ang alam ko rin kasi hindi naman parte ng assassin ang biological mother ko ang pakilala sa akin nun ni Daddy she's an ordinary woman.

Nakakapagtaka lang na may alam si Tito Julian kung ordinary lang sila. Alam kong may sikreto sila sa akin pero hindi ko naman sila mapipilit na magsabi kung ayaw nila.

Andito na ko ngayon sa Main HQ para magpractice lang, kasama ko rin si Philip para bantayan ako. Wala naman akong makausap dito dahil wala naman akong close dito bukod kila Kuya at sa ibang assassin.

Ang mga andito kasi puro mga artists lang ng D's Entertainment.

"Hi po, Ms. Demi!" bati sa akin ng ilang artist na nakikita ako. Ngumingiti lang ako dahil wala naman akong balak kausapin sila.

"Hi Demi!" napahinto ako sa bumati sa akin dahil kilala ko sya pero bakit andito sya? She's Winter, member of famous girl group named Hearts.

"Hello" nakangiti kong bati rin.

"I never thought I would see you here today, I am such a big fan" sabi nya habang nakangiti sa akin kaya napangiti rin ako.

"Oh, sorry if I disturb you, I just really want to say Hi" sabi nya pa and she really look worried.

"No, its okay. I guess you have some business with us?" tanong ko dahil she's not an artist of D's Ent but from ACE Ent. kung di ako nagkakamali.

"Ah, yes. We just talk some possible collaborations" sabi nya at may biglang lumapit sa kanyang lalaki, looks like her manager may binulong saglit sa kanya at ng makita ako yumuko ito at bumati.

"Ahmm. I need to go na po, hope to see you again" sabi ni Winter kaya tinanguan ko lang sya at umalis na rin naman na sya.

"Totoong mabait yun" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Raine na nakangiti sa akin tss. Ano naman pinagsasabi neto?

"Why are you here? Diba dapat nagpapahinga ka pa?" sabi ko at naglakad na papuntang basement dahil andoon ang dance studio.

"Ikaw rin naman ah, kaya nga ako nandito dahil sayo" sabi nya at sumabay sa akin sa paglalakad napansin ko pa ang ilang scars na naiwan sa braso hanggang kamay nya. Napansin nya naman na nakatingin ako kaya mabilis nya ibinaba ang longs sleeves na suot nya at ngumiti sa akin psh.

Nang makarating ako sa basement andoon ang Dance Director naming malamang pinatawag to ni Kuya JD para masigurado na hindi ko ipwersa ang sarili ko.

"Warm up first" sabi nya ng pumunta na ko sa gitna. Nginitian ko lang sya at sinunod ko lang ang ginagawa nya.

...

"Let's take a break first Ms. Demi, we've dancing for more than an hour" hingal na sabi nung Dance Director namin.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now