PHASE 6
"DEMI!" Sigaw ni One at mabilis na naabot ang kamay ko. Geez, akala ko mamatay na ko.
"Just hold it, I will pull you up!" sabi nya at tsaka ko dahan dahan na ina-ngat.
"AH!" Sabay pa kaming napahiga dahil sa pwersa at bigat ko. Napapikit pa ko dahil, kinakabahan talaga ko kanina.
"Why are you yelling and running around?" tanong ni One ng makaupo na sya.
"I hate spiders!" sabi ko at umupo na rin. Hinubad ko na rin yung mga bag na dala ko. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod dahil sa ginawa ko, aish.
"Just because of that muntik ka na ng mamatay!" Napalunok at urong ako sa ginawa nyang pagsigaw sa akin, saktong sigaw lang naman pero nakakatakot pala sya.
"Kasi naman sinabi ko ng patayin mo, pinakawalan mo pa" kahit hindi ako naiinis sinubukan kong mainis kasi naman mas nangingibabaw yung takot ko sa kanya, ngayon ko lang naman nakita yung ganitong side nya no.
"Wala naman ginawa yung gagamba, bakit ko papatayin?" inosenteng tanong nya.
"Aish. Ewan ko sayo" sabi ko at nagpagpag ng pants ko ang dumi na kasi.
"Baba ka pa rin ba?" tanong nya. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin.
"Oo, magpapahinga lang ako" nag nod lang naman sya sa akin. Mukhang wala pa rin syang balak bumaba.
"Did you know kung anong tawag sa bundok na to?" tanong ni One out of nowhere.
"Hindi, ano ba?" tanong ko.
"Tignan mo yung mga necklace na binenta sayo" Di pa sabihin e, dami pang keme. Kinuha ko naman sa bag yung isang kwintas at tinignan ng maigi.
"Ano to?" wala naman kasi akong makita na sulat o image parang mga guhit guhit lang.
"Baliktad kasi" sabi naman ni One at binaliktad ang pagkakahawak ko sa kwintas, tinignan ko pa sya ng masama pero parang wala lang. Tinignan ko ng maigi yung kwintas at
"Gagamba to diba?" tanong ko habang nakaturo dun sa nakaukit sa kwintas.
"Yes, ang pangalan kasi ng bundok na to ay little home of spiders" napalunok ako sa sinabi ni One, home of spiders?
"Ako ba pinagloloko mo?" naasar na tanong ko.
"Nope, why would I? Kung gusto mo ng ebidensya tignan mo yung likod nyang kwintas" sabi pa nya at sinunod ko naman.
"H-home of s-spiders?" tumayo na si One at nagpunta roon sa tent tsaka pinagpatuloy ang pag-aayos nito. Nabitawan ko yung kwintas at halos nanlumo sa nalaman. Kaya' kong makipaglaban sa kahit na sinong tao pero sa gagamba, no way!
"Bumaba ka na hangga't maliwanag pa, mamaya magsisilabasan na yung mga gagamba" napatingin ako kay One na abalang nag-aayos, gusto ko syang batuhin dahil sa mga pinagsasabi nya.
"Di na ko baba!" Inis na sabi ko, nagkibit balikat lang naman sya sa sinabi ko. Aish! Bakit ba kasi di ko alam tong pinuntahan namin, kaasar!
"Ilagay mo na sa loob ng tent yang gamit mo, magdidilim na" sabi ni One ng matapos nyang maayos yung dalawang tent. Malaki na masyado yung isa pero sabi nya di naman pwede kaming magsama sa isang tent, mabuti nga naiisip nya yun.
Sinunod ko naman yung sinabi nya malaki nga tong tent na to kasya tatlong tao e, pero nakakaamaze rin na marunong syang maset up neto mukha kasing spoiled brat tong si One.
YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...