PHASE 19

2 0 0
                                    

PHASE 19

Nara's POV

Nakatulala ako sa labas habang umaandar tong sasakyan. Papunta kami ngayon sa shoot ng another music video namin ni One.

One? Aish. Bakit ba pag iniisip ko sya, ang lakas ng tibok ng puso ko. Kainis!

Di ko nga rin alam kong totoo ba yung nangyari kagabi dahil parang di ako makapaniwala. Ilang minuto pa ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.

"Nara, lika na!" aya ni Raine pero di ko sya nilingon dahil baka mamaya andun si One sa labas. Di ko alam kasi kung paano sya pakikitunguhan pagkatapos kagabi.

"Nara! Bumaba ka na! Para maayusan ka na, ikaw daw muna kukunan hangga't wala pa si One" Wala pa si One?

Mabilis ko syang nilingon at tinignan ang paligid at mukhang wala pa nga si One. Bumaba na ko at sumunod kay Raine.

Bakit kaya wala pa si One? Ginood time nya lang kaya ako sa mga pinagsasabi nya. Baka mamaya tinitrip lang ako nung lalaking yun ah.

"Aish, Nara pikit lang masisira yung eye shadow mo" reklamo ni Raine. Kaya inirapan ko sya bigyan ko kaya sya ng black eye tss.

Hanggang sa matapos ang pag-aayos sa akin ni Raine walang One na dumating. Ayoko naman magtanong mamaya, sabihin pa nila concern ako sa lalaking yun tss.

"Lika na!" sabi ni Raine at inalalayan ako papunta sa shooting area. Ang OA naman kasi ng suot ko e, ang bigat kaya ng patong-patong na damit at nakaheels pa.

Pagkarating ko dun may sinabi sa akin yun A.D na dapat kong gawin, naiintindihan ko naman sya at ginawa ang dapat.

Naka-ilang shoot kami bago ako matapos pero hanggang sa oras na yun walang dumating na One. Mukha naman alam nilang lahat ang dahilan kung bakit wala pa si One, dahil wala akong naririnig na reklamo.

"Bakit yan na?" tanong ko kay Raine. Hawak nya kasi yung damit na susuotin ko kapag kasama ko si One.

"Sabi ni direk, eto na e" sabi nya at lumabas na ng C.r, tapos nya na rin kasi akong ayusan ulit para sa susunod na scene na kukuhaan sa music video.

Sinunod ko lang naman sya at pumunta na sa shoot area.

"Ayan na si Demi!" sigaw ng Creative director namin.

"Halika na rito" sabi nya at sinenyasan ako na lumapit. Nang makalapit ako kumunot ang noo ko sa isang lalaking nakaupo sa harap nung Creative director.

Nanlaki ang mga mata ko ng hatakin ako at iupo sa tabi ni One.

"Ayan, tapos kailangan may fire sa may kabilang gilid" utos nung C.D namin.

Umiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin ni One. Shit! Yung puso ko na naman! Ang lapit ko sa kanya baka marinig nya huhu nababaliw na ata ako.

"Demi!" *snap* napatingin ako sa C.D namin na mukhang may inaantay sa akin.

"He's asking if you're okay with the fire?" bulong sa akin ni One. Napatingin pa ko ng bahagya sa kanya tsaka ako nagnod sa C.D namin na nakangiti.

"You're spacing out, you okay?" bulong pa ni One habang nakatingin sa akin.

Bago ko pa sya masagot ay narinig ko ang sigaw ng A.D namin.

"Action!"

---

Yuri's POV

"Kuya, bakit ba hindi dapat malaman ni Nara to?" tanong sa akin ni Bobby.

"Malay ko, sundin na lang natin si J.D" sagot ko. Andito kami ngayon sa isang resto bar base sa research namin madalas andito yung taong hinahanap namin.

Hindi na naman nagtanong pa si Bobby at kinain na lang yung burger na inorder namin. Sa totoo lang hindi malinaw sa akin kung bakit namin ginagawa to, dahil hindi mafia ang hinahanap namin ngayon kundi ordinaryong tao.

"Ayan na sya" mahinang sabi ni Bob habang nakatingin sa entrance ng resto.

Lumingon din ako sa likod para makita ko ang pagpasok nya.

"Mukhang mag-isa nga lang sya" sabi pa ni Bob.

"Ako na sa labas" dugtong nya pa at nauna ng lumabas.

Pinagmasdan ko ang target habang umoorder. Sa totoo lang di ko sya kilala. Ang alam ko lang kailangan sya ni JD.

"Get ready" sabi ko kay Bobby na naririnig ako gamit yung earpiece. Agad akong sumunod sa target namin na lumabas na ng resto.

"Mr. Hank" tawag ko bago sya tuluyan makalapit sa sasakyan.

"Sorry but I'm not Hank" sabi nya ng harapin ako.

"I know" di ko naman kasi talaga sya kilala mukha lang ang ibinigay sa akin ni JD kaya di ko alam ang pangalan nya.

"Then what do--" bago nya pa matuloy ang sinasabi nya tinurukan ko na agad sya ng pampatulog.

"Aish! Dapat kuya inantay mo muna sya makapasok ng sasakyan bago mo pinatulog" reklamo ni Bobby habang pinapasok sa loob ng backseat yung matandang lalaki.

"Tss" pumasok na ko sa sasakyan at inastart na to.

"Mukhang mayaman to si Mr. Hank ah" sabi ni Bobby ng makapasok na sya sa loob ng sasakyan at kinalikot yung mga gamit.

"Hindi Mr Hank ang pangalan nya tss" sabi ko.

"Alam ko, kaso di ko pa alam pangalan nya kaya yun na lang muna" di ko na pinansin si Bob at nagdrive na papuntang Secret Facility.

Nang makarating kami roon ay si JD ang sumalubong sa amin. Pinadala nya sa Black floor yung matandang lalaki. Hindi naman sya ganun katanda mga kasing edad siguro ni Sir Henry.

"Wake him up" utos ni JD kay Bobby kaya may itinurok ulit ito para naman magising.

"Na saan ako?" the man ask. Inilibot nya ang paningin nya at ng makita nya si JD.

"Hahahaha" nagkatinginan kami ni Bob ng tumawa sya habang nakatingin kay JD. Magkakilala ba sila?

"Long time no see, Daniel" sabi nya at bumaba sa hinihigaan nya at niyakap si JD.

They really know each other.

Pagkatapos ng yakapan nila pinababa mo na kami ni JD para raw makapag usap sila.

Pero hanggang ngayon di ko pa rin kilala kung sino yung dinala namin dito.

"Hindi ba sya kamag anak ni Kuya JD?" tanong ni Bob ng makalabas na kami sa elevator.

"Wala na silang kamag-anak, Bob" minsan parang di rin nag-iisip to e. Nag nod lang sya at nauna ng maglakad.

***

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now