PHASE 20
Nara's POV
Natapos ng matiwasay ang MV shoot namin. Kahit na ilang beses akong sinabihan ng director namin na parang wala ako sa sarili ko.
"Nara, ayos ka lang ba? Iniisip mo na naman ba yung Dark society?" tanong ni Raine sa akin pagpasok namin sa dressing room.
"No, I'm okay" sagot ko at umupo sa sofa. I really don't understand what's happening to me. This is the first time that I feel this.
"Ah, Oo nga pala Nara. May photoshoot pa kayo ni One ngayon kaso di ako makakasama. Pinapapunta kasi ako ni Sir Teddy sa South HQ, may emergency ata sa Lyric 5" Sabi ni Raine habang inaayos ang mga gamit ko.
"Then who's going with me?" tanong ko.
"Si Philip, sa make up mo naman may make up artists na dun" sabi nya na di man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Halika na" nagmamadali nyang sabi at walang habas na lumabas ng dressing room. Kahit napaka dami nyang dala, kayang-kaya pa rin tumakbo ng gaga tss.
"Thank you po" nakangiting sabi ni Raine ng tulungan sya ni Samuel na buhatin yung mga gamit ko.
Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa parking. Kumunot ang noo ko ng makita ko na pinasok ni Raine yung mga gamit ko sa ibang sasakyan.
"Raine, that's not my car" simpleng sabi ko kaya napalingon sila akin.
"Alam ko, pero kasi kailangan mo munang sumabay kila One. Kailangan ko kasi gamitin yung sasakyan pabalik sa South HQ" What?!
"Okay lang, Demi. Wag ka ng mahiya" nakangiting sabi ni Samuel.
"Sakay na, Nara! Malalate pa kayo nyan. Kanina pa nasa loob si One" sabi ni Raine habang hinahatak ako papalapit sa sasakyan.
"Si Philip, susunod na lang dun, sige na!" sabi pa nya at tuluyan akong tinulak papasok kaya muntik na ko madapa mabuti na lang nahawakan ako ni One.
Babalikan ko sana si Raine para gantihan ng hindi pa rin ako binitawan ni One kaya napatingin ako sa kanya na bahagyang nakangiti sa akin. At di ko alam parang nawala ang init ng ulo ko sa ginawa ni One.
"Okay ka lang ba?" tanong nya pa. Hindi naman ako sumagot kundi pumasok na lang ako sa loob.
"Alis na po tayo" magalang na sabi ni One sa driver nya.
"Sandali!" sabi ni Samuel kaya napatingin kami sa kanya na nakaupo sa tabi ng driver.
"May emergency sa Maf...Management" sabi nya.
"Sorry di ko kayo masasamahan" dugtong nya pa.
"It's okay, you can go now" sabi ni One. Kaya mabilis na bumaba si Samuel at naglakad sa kung saan.
"Uso emergency?" sabi ko, kasi naman sabay pa sila ni Raine na nawala.
"Maybe its meant to happen" sabi ni One kaya napatingin ako sa kanya na naka half smile habang nakatingin sa akin.
Shet!
Buong photoshoot namin ni One, naging tahimik lang ako medyo di nga ako sanay kasi pati dressing room ko ang tahimik. Nakakamis din pala minsan ang ingay ni Raine o kaya ni Faye.
Gabi na ng matapos ang photoshoot para pa lang yun sa 1st version ng album, gusto kasi namin may pagpipilian yung mga bibili kung anong style ba ang mas prefrred nila.
At dahil wala na rin Philip ang sumunod sa akin di ko alam kung paano ako uuwi.
"Mam" tawag sa akin nun isang make up artist na kasama ko sa dressing room. Tumingin lang ako sa kanya at inantay ang sasabihin nya.

YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
General FictionLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...