PHASE 35

1 0 0
                                        

PHASE 35

Raine's POV

Labing limang minuto na ang nakakalipas simula ng sinabi ni Jeri na nasa washroom pa si Nara pero hanggang ngayon di pa sya bumabalik.

Aish! Nasaan na ba yun? Pati si Philip wala rin dito. Di kaya iniwan na nila ako? Naglalakad na ko papalabas ng bigla kong makasalubong si Philip.

"Nasaan si Nara?" bungad na tanong ko tumingin pa ko sa likod nya pero wala syang kasunod.

"She supposed to be here" sabi ni Philip at pumasok sa loob ng dance studio at tignan ang kabuan nito tss akala ata nagsinungalin pa ko.

"I saw her earlier with that man, papunta sila rito" sabi nya pa at tinuro si Jeri.

"Si Jeri lang dumating, ang sabi nya nag CR pa raw si Nara pero kanina pa yun hanggang ngayon di pa bumabalik. Saan ka ba kasi galing? Tss" nakita nya na pala kanina di nya pa pinabalik si Nara, parehas kaming mayayari nito kay Sir JD e.

"Sigurado kong andito pa si Ms. Nara, maraming nakabantay sa buong building hindi sya madaling makakalabas" sabi ni Philip.

"Okay, maghiwalay tayo sa paghahanap para mapabilis" sabi ko at tumango lang naman sa akin si Philip kaya naglakad na kami papalabas narinig ko pang tinawag ako ni Jeri pero wala na kong oras makipag chikahan sa kanya.

"MS. DARA" sabay na sabi namin ni Philip ng makasalubong namin sya sa may pintuan.

"You going somewhere?" tanong nya. Naku! Kapag nalaman nya malamang malalaman agad ni Sir JD na nawawala si Nara. Siniko ko si Philip para sya ang sumagot dahil sya rin naman ang may kasalanan psh.

"Ahhm... We just go—"

"Let me through" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Nara mula sa likod ni Ms. Dara.

"NARA!" sabi ko at hinablot pa ang kamay nya ng lalampasan nya kami para pumasok sa loob.

"What?! I'm here, let me go!" sabi nya at inalis lang pagkakahawak ko sa kamay. Mukhang badmood na naman sya pero di ko mapigilan ngumiti dahil andito na sya. Kanina grabe na yung kaba ko e.

Napatingin naman ako kay Ms. Dara na nakasunod lang ng tingin kay Nara.

"You almost lost her" sabi ni Ms. Dara habang nakatingin sa amin ni Philip. Shet! Alam nya pala, malamang sya ang nakakita kay Nara. Iba rin yung suot ni Nara at mukhang may balak ngang takasan kami.

Buti na lang talaga nakita sya ni Ms. Dara

"I'm going home now" sabi ni Nara habang nakasukbit na ang bag nya. Mabilis nya lang kaming nilampasan at lumabas na.

Sumenyas naman agad si Ms. Dara na sundan ito, kaya ganun nga ginawa namin. Narinig ko pang may sinabi si Ms. Dara dun sa dalawang cheorographer bago sumunod sa amin.

Nadatnan namin si Nara na nasa loob na ng sasakyan at may earphone ng nakapasak sa tenga nya mukhang wala nga sa mood.

"She's not in the mood obviously, sasabay sana ko..." sabi ni Ms. Dara at sumulyap kay Nara.

"Kaso wag na lang hehe, I will just follow na lang" sabi pa nya at naglakad na papunta sa sasakyan nya.

Sinara muna ni Philip yung pinto ng sasakyan at sumakay na rin kami, usually nga nasa tabi ako ni Nara pero mukhang hindi magandang ideya yun kasi kahit si Ms. Dara ayaw sumabay ibig sabihin galit talaga si Nara.

Ano kaya nangyari? Sumulyap pa ko sa likod para makita ko si Nara pero nakapikit na sya. Hayy buti naman ayoko rin makagalitan neto e.

Halos isang oras din ng makarating kami sa bahay nila Nara at ayun pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay bumaba agad sya. Kaya mabilis din kaming sumunod pati si Ms. Dara at naabutan namin sa sala sila Sir JD, Sir Tobi, Bobby at si Sir Julian.

LET'S PLAY A GAMEWhere stories live. Discover now