PHASE 14
Nara's POV
"Right in front in me" huh? Ano bang pinagsasabi netong si One.
"That's my wish" dugtong nya pa. Napatango na lang ako sa sinabi nya at nginitian sya.
"Ah, Oo nga pala. Gusto ko pala mag thank you kagabi. Hinatid mo araw kasi ako sa bahay nun mawalan ako ng malay" mabuti nga andun sya nung mahimatay ako.
"That's okay, anyways bakit ka nga pala nahimatay? May sakit ka ba?" tanong nya.
"Ah. Wala. Di ko rin alam e baka sa pagod at stress. Marami kasi akong inisip ngayon e" gusto ko na talaga silang paniwalaan na ang weak ko e, di ko nga alam paano ko mga nakayanan training noon.
"Ganun ba, dapat pala ngayon nagpapahinga ka. Hindi yung nagagala ka" napataas ang kilay ko sa sinabi nya dahil parang syang si Kuya kung magpaalala.
"Tss, okay lang ako no. Kaya ko naman." mataray na sabi ko.
"Sabi mo e" sabi nya at kumagat sa cotton candy psh, lakas mag sungit habang kumakain ng cotton candy pfft.
---
Tobi's POV
"Hindi pa ba patay yan si Salazar?" tanong ni Rio. Minsan talaga yung bunganga neto walang tigil.
"Pagmasamang damo, matagal mamatay" sagot naman sa kanya ni Yuri.
"May balita na ba dun sa tauhan ng torres?" tanong ko sa mga kasama namin dito sa special facility.
"Wala pa po pero si Mam Dara na po ang naglolocate ngayon" tumango na lang ako at tinignan si JD na mukhang malalim ang iniisip.
"Bukod ba sa blue print ng headquarters ng Dark Society, wala ng ibang files sa nabuksan ni Nara?" tanong ni Darwin habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak.
"There's something" sagot ni JD at tumingin sa akin.
"Follow me" sabi pa nya at lumabas kami ng conference room. Nakasalubong pa namin sila Rose at Lysa na mukhang busy dahil di man lang kami binati.
Sumakay kami sa elevator at pinindot ni JD ang 8th floor.
"The Black Floor?" banggit ni Rio. Ang 8th floor ay underground floor dito sa Special Facility at tinatawag na Black Floor dahil ang gumawa neto ay ang pamilya nila JD at sila lang ang may access dito. Bilang lang din ang myembro nito at kasama kaming buong Black Army, Nara, Faye, Dara, Bobby, Teddy at Sir Henry.
Nang bumukas na ang pinto ng elevator lumabas kami at dumiretso sa conference nito. Bukod sa apelyido nila JD ang Black, ang buong floor rin na to ay kulay Black. Obvious naman na wala silang hilig sa Black diba? Pfft.
Nagsi-upuan kami at inantay si JD na magsimula.
"Black, show us the files in Salazar drive" utos ni JD sa A.I na meron ang buong organization, ang A.I na meron kami ay isa sa mga pinakamatalino sa buong mundo. And only JD and Nara have a control in this, tanging mga boses lang nila ang kayang sundin nito.
Sa screen sa harap namin lumabas agad ang folders na nasa drive ni Salazar.
"Open the untitled folder" utos pa ni JD at mabilis naman yun bumukas.
"Play the video" isang video lang ang laman ng folder na yun at nun nagplay pinanuod namin lahat pero wala akong maintindihan dahil mga cells ng katawan ata lang ang nakikita ko.
Wala akong alam sa science kaya di ko alam ang ibig sabihin nun.
"Just explain to us, di kami expert sa science" sabi ni Yuri kaya tumingin na kami kay JD.

YOU ARE READING
LET'S PLAY A GAME
Fiction généraleLET'S START! Life is a game. So, it's Love. Kaya mo bang sumali sa larong ikaw at ang mahal mo ang magkalaban? At ang premyo ay ang sarili mong buhay? O handa kang ibigay ang buhay mo para sya ang manalo? This is a game that there's only ONE WINN...