Chapter 30

49 5 2
                                    

Endure

*Bianca's POV*

"Balik sa una!" Napabuntong hininga nalang ako nang sigawan ulit ako para bumalik sa pwesto ko at magsimula muli si Sawyer sa pag-ride ng motorbike. We need to perfectly do the parking stage. Halos lahat kami nagagawa nang iwasan ang road cones, the problem is sa kada may magkakamali sa amin, kinakailangan umulit sa umpisa. Kaya damay damay ang lahat.

Kanina, pagkatapos ng dalawang ulit na subok namin kanina, dahil hindi talaga marunong ang iilan sa amin sa pag-ride ng motorbike, isa-isa kaming tinutukan at tinuruan, yeah, kasama na ako roon. May iilan naman sa amin na kahit first time ay maalam na agad, katulad nalang nila Vanessa at Freeda. Sa ngayon, isa ako sa kulelat dito. Eula and Dexie are also the reasons kung bakit kami umuulit ulit. Ang lunch time namin ay 5 minutes lang.

Halos wala na kaming pahinga, hindi ko maiwasan hindi maawa kay Sawyer siya lagi ang nabubugbog sa ilang ulit na pag-ride. At least he always did it perfectly na, hindi katulad kanina na halos perfect lang. Pagdating kay Dexie, ilang beses na ulit bago niya magawa ng tama. Kay V... walang problema, sa tuwing sa kanya na matatapat, napeperfect niya palagi. Si Barbie... She's so serious when riding the motorbike, madaling matuto, natututo na rin niyang bilisan ang pag-ride kahit pa first time. Si Dahlia ang sumunod sa linya kay Barbie, at masasabi kong sa lahat ng babae, siya ang may pinakamaayos at maganda ang performance na pinakita, sa parking lang siguro siya nagkakamali. Endrix and Weston did it well too. Pagdating kay Eula, bagsak na ulit ang mga balikat dahil nakailan ulit din. Si Ryder... magaling din naman... After Ryder, ako na. Ako na sobrang hiya na dahil nakailan ulit din kami. Anthony performance is also one of the best. Ursulo and Douglas, parehas din may alam at magaling, although may ibang sablay. Pagdating sa ulitan, swerte nalang nang makaabot kami kay Vanessa...dahil may ilan mali ay umuulit kami. Sila Cullen, Freeda, Blake and Ivan lang talaga ang mga chill pa sa pwesto nila dahil hindi pa naaabutan.

We asked if pwedeng magrotation kami. Pero hindi pinayagan, kung nasaan pwesto at linya raw kami ay doon lang kami. I know deep inside, sa ilang ulit namin, ang iba sa amin ay naiinis at pikon na sa tuwing magkakamali ang isa sa amin, pero hindi nila pinapakita o wala silang sinasabi, why? Isa rin naman sila sa mga nagkakamali.

"Come on, guys! We can do it!" Cheer ni Vanessa sa amin. Kinakailangan makalimang ulit ang magawa namin nang walang nagkakamali para payagan na kaming magpahinga at tapusin ang challenge na ito. My mind's telling me that it's imposible, lalo na at wala pa kaming napeperfect ni isa!

Pagabi na, pagod at gutom na ang nararamdaman ko dahil hindi kami nakakain ng maayos kanina.

Muling sinimulan ni Sawyer and pag-ride, ngunit muli rin umulit nang magkamali siya. Kita at bakas ang kapaguran sa kanya. Palibhasa ay kanina pa rin kami nakatayo sa mga pwesto namin. Makakaupo lang kapag sasakay na ng motorbike.

"That's the easiest na gagawin nyo sa mga kinakailangan ninyong i-drive. Easiest, pero hindi n'yo pa rin magawa ng tama!" Sigaw ni Commander Venus, sa totoo lang ay hindi nakakatulong ang pagsigaw niya. Marami na ang naiinis. I'm sure dumaaan din siya sa stage na ganito. She's a failure before she became successful.

"Easiest...pero bakit parang ito na ang pinakamahirap..." Bulong ko sa sarili ko.

"Goal" napalingon ako kay Anthony na kasunod ko sa linya, nang magsalita ito.

"Ha?" Tanong ko, siguro ay narinig ang ibinulong ko kanina.

"You need to focus on your goal, not to the people around you, not to the noise, and not to the loser you," seryosong sabi niya.

"And how can I do that?" I asked.

"Set a goal," he answered.

"How?" I asked again.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now