Versus
*Ivan's POV*
"Ayan umalis tuloy, ang papangit n'yo kasi!" Inis na sabi ko sa kanila nang umalis si Bianca, panatag naman ako kahit papaano dahil sinundan siya ni Lia.
Nagulat ako nang aminin ni Cullen na may gusto siya kay Bianca. Hindi ko lang talaga alam kung totoo ba o hindi. Ang alam ko lang ay hindi ako boto sa kahit na kaninong magkakagusto sa kapatid ko. Mabuti nalang at mukhang hindi rin interesado sa kanila si Bianca.
"Cullen, tigilan mo si Bianca. Hindi ka type non." Sabi pa ni Vince kay Cullen.
"Okay lang, ikaw rin naman."
"Excuse me? Di hamak na mas gwapo ako sa'yo 'no! At mas binibigyan ng pansin."
"Alam n'yo mas gugustuhin ko pang makatuluyan ni Bianca si Ryder kaysa sa inyo. Para kayong mga batang nag-aaway." Loko ko sa kanila.
"Stop that. You're making a scene here. And please take back to your sit. Obviously, Bianca leaved because of your loud voices and creepy reactions. Nakakahiya." Pag-aawat na sa amin ni Anthony.
"Is everything's okay?" Napalingon kami nang magsalita si Agent Wind Star sa gilid namin. Kasama ang dalawang Agent.
"Yes po, nagkakatuwaan lang sila. Sorry, ang ingay nila." Pagpapaumanhin ni Vanessa para sa amin.
Ngayon ko naramdaman ang hiya nang lumingon ako sa paligid ko. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa gawi namin.
"Gosh, what did I do? Nakakahiya." Bulong ko nalang sa sarili.
"Sorry, Agents. Hindi na mauulit." Paumanhin ni Cullen.
"Sorry, sorry..." Nahihiyang sabi ko rin.
Pati ang iba naming kasama ay humingi na rin ng paumanhin. Dahilan para hindi na kami lapitan ng mga Head Masters at Commanders.
Sa huli, nang makalabas ay lalo kami nagsisihan kung sino ang may kasalanan kung bakit kami hiyang hiya sa nagawa. Siguro ganito lang talaga kami, dahil komportable na sa isa't isa.
"Kasalanan talaga ni Cullen 'yan!" Sisi ni Vince sa kanya.
"Bakit ako? Hindi ba dapat si Douglas, kasi siya ang naunang nagsalita."
"Hoy, si Annika ang usapan doon. Ewan ko sa inyo bakit napunta kay Bianca."
Narinig namin ang buntong hininga ni Anthony, "Haysst, bakit ba ako napasama sa mga batang ito." Naiiling na sabi pa niya bago naunang maglakad sa tent namin.
"Iba talaga kapag gurang na!!" Sigaw ni Ryder na ikinatawa namin lahat.
"Ano ba kayo, huwag n'yo ngang ginaganyan si Kuya Anthony. Kuya natin 'yan." Kunyaring nagbabawal na sabi ni Douglas.
Nagtawanan nalang kami sa mga kalokohang nagawa namin. Pero hindi ko pa rin makakalimutan....
"Hoy, Cullen. Seryoso ako, huwag kong makita kitang popormahan mo si Bianca ah, oh kahit na sino sa inyo," isa-isa ko pang turo sa kanila.
"Bakit? Tatay ka ba niya?" Natatawang tanong ni Ursulo.
Umiling nalang ako sa mga kalokohang pinagsasabi nila. Wala talaga akong matinong makakausap sa mga ito.
*V's POV*
"On this day, ready yourself. You are going to fight against with the person that we will pick for you." Anunsyo sa amin ni Head Master Black Lion.
"The name of the two places we may pick from the box ... must provide a representative, against the other side."
Umaga nang pinaghanda at tinawag kami. Pinapunta kami ngayon sa isang malawak na parte ng pinuntahan namin. Nakapaikot kami na tila gumawa ng isang malaking bilog. Sa gitna namin ay ang mga Head Master mula sa iba't ibang bansa na naririto ngayon.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...