Attack
*Dahlia's POV*
Hindi ko alam kung anong oras ako nagising, madilim pa ngunit napagdesisyunan kong tumayo na upang simulan muli ang paghahanap. Gamit ang flashlight na mayroon ako ay ginawa ko itong liwanag upang mailawan ang daraanan ko. Mahirap ang paghahanap lalo na't madilim pa, ngunit pakiramdam ko ay sayang ang oras ko kung mananatili akong tulog kahit pa nakatulog naman na ako kahit papaano.
Siguradong madaling araw na, dahil pawala na ang buwan at mga bituwin sa kalangitan. Nang makaramdam ng gutom ay inilabas ko ang saging na nakita ko kahapon, iyon nga lang at dadalawang piraso lamang iyon. Isa nalang iyon ngayon dahil kinain ko na ang isa kagabi.
Paubos na rin ang tubig ko. Kailangan ko nang makahanap ng tubig at makakain.
Muli akong naglibot sa kagubatan upang maghanap ng mga puzzles at kakailanganin ko para hindi ako maghina sa pananatili ko rito sa gubat. Sa paglilibot nakarinig ako ng huuhuni na ibon, nang tumingala ako ay agad akong napapikit.
"Damn it!" I said nang mataihan ako ng ibon na iyon.
Saglit akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil doon. Habang nakapikit ay kinuha ko ang bag ko mula sa likod at kinapa ang bimpo na naroroon at inilabas ko na rin ang natitirang tubig ko sa galon water battle, at iyon ang ginamit kong panghilamos sa ipot ng ibon sa mukha ko. pinunasan ko na rin ng bimpo ang mukha. Ngunit nandidiri ako sa sarili, dahil pakiramdam ko ay ang baho baho ko na dahil sa nangyari.
Umatras ako bago ko itinapat ang ilaw ng flashlight para muling sulyapan ang ibon sa itaas, upang samaan ng tingin. Pero natuwa ako nang makita ang nilalaro nito mula sa kanyang pugad. Isang puzzle. Agad kong inakyat ang puno upang silipin ang pugad. At nang makita ko na ang hinahanap ay agad ko ko iyon kinuha.
"Pasalamat ka at may silbi ang pagtae mo sa mukha ko, dahil doon ay nakita ko ang pangatlong puzzle ko. Kung hindi ay ikaw ang uulamin ko lalo pa't gutom na ako kanina pa." sabi ko pa sa ibon habang naka-upo sa puno.
Hindi ko na pinahaba ang pananatili ko roon at umalis na sa kilaroroonan kanina, upang nang sa gayon ay magpatuloy na ako sa paglalakad para ipagpatuloy ang paghahanap.
*Ryder's POV*
I was disgusted with my slowness in finding puzzles. Cyan is the color I need to find. I was not satisfied with the guava I found on a tree yesterday. I don't even know if my stomach is still hurting from extreme hunger or because I want to poop. It is said that there are Comfort Rooms surrounded by wood that we can use when we want to change clothes or when we feel that nature is calling us. But in my walking around in the forest from yesterday until now I still didn't find anything.
"Arghh, this stomach pain is not helping in this situation."
Pinagpapawisan ako ng malamig at nanghihina na. Inihinto ko muna ang paglalakad, at nagpahinga sa ilalim ng isang puno. Huminga ako ng malalim at ini-relax ang sarili upang tiisin ang sakit. Sinandal ko sa puno ang ulo ko saka pumikit, habang ang kamay ko ay nakalagay sa ibabaw ng tiyan ko dinarama ang sakit.
Ilang minuto rin ako nagpahinga at nang mapansin na huminto na ang pagsakit kahit papaano ay tumayo na ako upang magpatuloy sa paglalakad. My first target to find is the comfort room. For now that is what I badly need.
Sa paglalakad ko ng mga ilang minuto ay pakiramdam ko ay luminaw lalo ang mata ko nang mahanap ang kanina ko pa hinahanap. Pagkatapos nito ay magpapatuloy na ako sa talagang pakay ko sa gubat na ito. Sa ngayon ako muna, sarili ko muna. Mabilis akong tumakbo sa comfort room, guminhawa naman ako nang makaupo na sa trono. Grabe! natiis ko 'yon! Mabuti at sa loob nito ay walang cctv. akala ko lalagyan pa nila. Natawa ako sa sariling iniisip.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
AkcjaDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...