SUCCESS
*Dahlia's POV*
Walang nakatalo kila Venus at Sun nang araw na iyon. Pagkatapos ng araw na iyon, binugbog kami sa sunod sunod na pag-eensayo sa pakikipaglaban, nadagdagan pa ang mga kaalaman ko tungkol sa mga techniques na maaaring gamitin namin kung sakaling sasabak kami sa mga mission.
Pinagsanay din kami ulit sa paggamit ng iba't ibang uri ng kutsilyo, baril, at arnis. Inuulit namin ang mga pinaggawa na sa amin noon, para mas mahasa pa. Walang nagreklamo sa mga pinapagawa sa amin, iniisip namin na kakailanganin talaga namin ito, lalo na ay pakonti nang pakonti nalang kami. Hindi magtatagal ay matitira nalang sa amin ay 18 na katao.
"Are you ready Class F?" tanong sa amin ni Sun Mango.
"Yes, Commander Sun!" sabay sabay na sagot namin.
Narito kami sa isa sa beach na parte pa rin ng EsMia, nakahilera kami ngayon para raw sa group challenges na magaganap. Ang mananalo ng 1st runner up ay magkakaroon ng 80 points kada-isang tao sa sa isang grupo. Ang second runner up naman ay 50 points, sa 3rd runner up ay 30 points, at para sa 4th, 5th, and 6th ay magkakaroon lamang ng 5 points.
Hahatiin kami sa anim na grupo ngayon, ang top 6 ay siyang magsisilbing leader sa bawat grupo.
"Dahlia, Ivan, Anthony, Sawyer, Ace, at Cullen. Pumunta kayo ngayon dito sa harapan," anunsyo ni Commander Sun.
"Kayo ang top 6 sa rank nang matapos ang last challenges na ginawa ninyo. Kaya naman, aasahan kayo ng mga magiging kagrupo ninyo na maging leader sa kanila. Handa na ba kayo?" si Commander Venus.
Kamakailan lang ay inanunsyo sa amin na kinakailangan namin tawaging mga Commander si Venus at Sun, kaya iyon na ang sinasanay namin.
"Yes, Commander!" Handa at sabay sabay na sabi namin.
"May mga katanungan pa ba?"
"Ako, Commander!" si Ryder.
"Ano iyon?"
"Ilang points ang kinakailangan namin para hindi mapasama sa ma-eevict?"
Commander Venus smirked, "Hanggang may puntos kayo ay walang matatanggal sainyo."
"What do you mean?" nakakunot na tanong ni Ryder.
"Ang maging Zero o mawalan ng puntos ay siyang ma-e-evict. Ang susunod na anunsyo ay sasabihin namin pagkatapos ng Challenges na ito."
Humanda ang lahat para sa hamon na ito, sunod sunod na inanunsyo kung sino ang mga makakagrupo, may mga natuwa at mayroon ding nalungkot.
Hindi ko nakagrupo sila Cherry at Bianca. Pero napunta sa grupo ko si Barbie.
"Commander Sun, ang daya naman lahat yata ng magagaling nasa kanila, nasa amin pa yung laging kulelat," reklamo ng isang lalake na kagrupo ni Cullen.
"Manahimik ka diyan Douglas!" nagtawanan kami nang marinig ang pangalan niya.
*Bianca's POV*
Pinaningkitan ni V si Douglas, dahil sa insultong natanggap niya dito. "Kulelat your face."
Napunta ako sa grupo ni Cullen, kasama si V. Si Cherry naman ay napunta sa grupo ni Ace. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa grupong napuntahan ko, nanghihinayang na hindi napunta sa grupo ni Dahlia o hindi kaya'y kay Ivan man lang.
Ilang sandali pa ay pinaliwanag na sa amin ang mga obstacles na kinakailangan namin gawin.
Climbing Vertical cargo net
Jumping over a wall
Climbing horizontal ropes
Crawling low rails
Balancing logs
Stopping the Time bomb
Jigsaw puzzle
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...