Chapter 11

87 13 0
                                    

Magazine


*Bianca's POV*

"Enough, Venus!" sigaw ni Ivan sa kalagitnaan ng labanan namin.

Tumayo siya saka naglakad palapit sa amin.

"Balak mo bang patayin sila!?" galit na sigaw niya.

"Huwag mong sabihin naaawa ka sa kanila, Ivan? Kung pinadala ka sa mission at ang kailangan mong kalabanin ay ang pinakamamahal mong tao, ngayon palang nakikita kong talo ka na," nakangising sabi ni Venus.

"Hindi ako naaawa sa kanila, Venus. Naaawa ako sa maaaring mangyari sa iyo. Hindi mo gugustuhin makalaban ang gustong kumalaban sa iyo kapag nakarating sila Hospital dahil sa iyo." Seryosong ani Ivan habang tinutulungan kaming makatayo.

"At sino naman ang kakalaban sa akin kung ganoon?" matapang na tanong ni Venus.

"Huwag mong hilingin kilalanin."

"Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo, Ivan!" sigaw sa kanya ni Sun.

"Then, cover your ears!" inis na sagot ni Ivan sa kanya.

Walang nagsalita, lahat ay tahimik na nanood sa pakikipagtalo ni Ivan sa mga trainer.

"Dazz, stop it!" Pagpapatigil ni Dahlia kay Ivan, na ikinatigil naman nito.

"What's happening here!?" galit na sigaw ni Black Lion na paparating.

"Black Lion, we're in the middle of our training for these hard headed students." diretsyong sagot ni Sun.

"Ivan!? Class F! This is part of your training, bakit kayo nagrereklamo sa kung anong sasabihin o ipapagawa sa inyo? Hindi lamang pisikal ang kailangan ituro sa inyo, kundi maging ang pagpigil ng emosyon na maaaring makasira sa gitna ng labanan ninyo! Saang parte ang hindi ninyo maintindihan?!" pangangaral sa amin ni Black Lion. Namumula na ito sa galit.

Bumaling siya sa gawi ng mga estudyante.

"Vincent, where are you going?" tanong nito kay V nang makitang tamad na naglalakad paalis.

Tinignan siya nito saka nagsalita. "I'm tired, I want to sleep, doon muna ako sa kwarto namin matutulog." tamad na sagot nito saka tumalikod muli at nang hahakbang na paalis ay pinigilan muli siya ni Black Lion.

"Vincent, can't you.please.learn.to.wait." madiin na pakiusap ni Black Lion kay V, pinipigilan magalit pa.

"I'm done waiting, I'm tired." nakatalikod na aniya.

"ADEN!!" Galit na rin na tawag ni Pink Rabbit kay V.

Binalingan siya ng tingin ni V. Saka hinilot ni V ang kanyang sintido, na para bang naiinis na sa mga pumipigil sa kanyang huwag umalis.

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Can I go home?" tanong nito kay Pink Rabbit.

Lumipat ang tingin ni V kay Black Lion, saka ito muling nagsalita. "I'm tired, I want to sleep." pag-uulit niya sa sinabi kanina.

Hindi ko alam kung anong nagpakumbinsi kila Black Lion at tinanguan nalang niya si V.
Pinapayagan na ba niyang umuwi si V? aalis na ba siya? tanong ko sa aking sarili.

*V's POV*

They need to endure the pain to learn, iyon ang nasa aking isip habang napupuruhan na ang tatlong babae, pumikit ako, para makaidlip, pero nagmulat din agad ng mata nang marinig kong pinigilan na ni Dazz si Venus sa pakikipaglaban sa tatlo. Nangunot ang noo ko sa ginawa niya, pero ganoon nalang ang pagkukumbinsi ko sa sarili na tama lang ang ginawa niya dahil hinang hina na sila Bianca at Cherry, maging si Dahlia ngunit kita na lumalaban pa rin.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now