Call
*Bianca's POV*
"Maybe... Dahlia was right when she said, we have different time to shine. Maybe... Hindi namin oras ni Eileen para makapasa sa mga pagsubok at maging ganap na Secret Agent... " malungkot na sabi ni Eileen.
Narito kami ngayon sa kwarto namin, nagkukwentuhan.
"Hindi rin natin alam na baka hindi pala ito ang plano para sa atin, or... maybe, para sa atin nga ito, pero kailangan muna natin mas matuto." Komento ni Eileen.
"Pangalawang beses ko na sumubok dito. Inaamin kong nahihirapan pa rin ako sa mga challenges na binibigay. Hindi ko kaya ang ibang ginagawa nila Dahlia o maging si Bianca. Pero kung sakaling matanggal din ako, hindi ako titigil na sumubok muli. Paghahandaan ko na kung sakaling umulit muli ako," nangingiting sabi ni Cherry.
"Sa totoo lang, hindi ko akalain na makakaya kong malampasan ang mga hamon na binibigay nila, may parte sa aking sobra rin akong nahihirapan. Pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko kung bakit ko 'yon ginagawa, kung para saan, hindi ko binibigyan ang sarili ko ng dahilan para sumuko." Naluha ako nang alalahanin ang mga kapatid ko at Lola ko.
"Hindi ako mayaman katulad ninyo, may tatlo akong maliliit na kapatid na naiwan at ang lola kong matanda na ang tanging nagbabantay lang sa kanila ngayon." patuloy ko pa.
"Paanong mahirap? Hindi ka makakapagregister dito kung hindi ka mayaman o may pera." ani Dahlia
"Sabihin nalang nating sinuwerte akong makilala ang isang taong tumulong sa akin para makapasok ako rito." aniko
"Iyon ang mga dahilan kung bakit ako determinadong lumaban. Hindi ko ito sinasabi para maawa kayo, sinasabi ko ito dahil gusto kong maunawaan ninyo na hindi sa lahat ng bagay ay nasa angat ang isang tao, minsan kailangan mong mapunta sa baba para mas maging determinado sa pinaglalaban mo, " patuloy ko.
"I agree," pagsang-ayon ni Dahlia.
1:30 am na nang mapagdesisyunan namin tapusin ang pagsasalo salo. Masaya kaming natulog sa araw na iyon, kahit pa nag-iyakan kami. Nangako kaming magkikita kita muli pagdating ng araw.
Hindi ko ginawa ang routine kong gumising tuwing alas dos, dahil sa sobrang pagod at antok na rin. Kumuha ako ng sapat na tulog bago mag-alas kuwatro at mag-jogging muli nang tatlong beses paikot.
Natuto na ako ng basic na salita ng Japanese, alam at kabisado ko na rin ang pagsulat ng hiragana, kanji, at maging ang katakana. Pero hindi pa ako ganoon kabilis magbasa sa japanese gamit ang mga iyon.
Bago mag-alas kuwatro ay gumising kami. Bumaba kami nila Cherry at Dahlia para simulan ang pag-jogging, habang sila Eileen at Carol naman ay nag-umpisa nang mag-empake.
*V's POV*
"Kuya Vince!" tawag sa akin ni Ryder nang makita ako sa loob ng library. Nilingon ko siya saka ko kinunutan ng noo.
"Alam mo, dapat sa'yo natutulog pa, hindi ka dapat gumigising ng ganitong kaaga," aniko sa kaniya.
"Nagbabasa lang naman po ako," pagdadahilan niya.
"Nagbabasa o may inaabangan?" pinanliitan ko siya ng mata.
"Ikaw po ba? Bakit nandito? Hindi ka naman pumupunta rito dati, ah," aniya sa akin.
"Tss, you told me na pumupunta si Ibyang dito para magbasa at mag-aral, pero bakit wala siya? Niloloko mo ba ako?" I asked.
"Hindi ah, nagtataka nga rin ako bakit wala, siguro nalaman na pupunta ka kaya hindi na tumuloy," natatawang aniya saka ko siya sinamaan ng tingin.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...