Immature
*Bianca's POV*
"Ivan, I'm sorry pero hindi ko matatanggap ito. Pakisoli nalang sa nagbigay," inabot ko kay Ivan ang regalo, pero tinignan niya lang ito.
Nandito kami ngayon sa gilid ng EsMia, sa kung saan walang taong dumadaan o pumupunta. Kakatapos lang namin tumawag sa mga pamilya namin. Pinayagan ang lahat na makatawag. Masaya akong nakausap ang pamilya ko, lalo na at kaarawan ko ngayon.
"Bakit, hindi mo ba nagustuhan?" seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
I sighed, "Hindi naman sa gano'n kaso kasi... ang mamahal naman kase ng mga bagay na iyan."
"Ano bang laman?" kinuha niya ang box at sinilip ang laman. Kumunot ang noo niya saka tumingin sa akin, "maybe... Hot Rookie only wants the best gifts for you, Bianca.
"Bakit naman kasi ako niya bibigyan ng ganyan regalo? Kilala ba niya ako? Kasi ako, hindi ko naman siya kilala."
"Please, tanggapin mo na," inabot niya muli sa akin ang regalo ngunit hindi ko kinuha.
"Kung gusto niyang tanggapin ko 'yan. Magpakilala siya, siya mismo ang magbigay sa akin ng harapan," paliwanag ko saka tumalikod para pumunta na sa dorm at makapagbihis.
*Ivan's POV*
"What happened? Bakit nasa iyo ulit ang regalo?" V asked nang makita akong dala dala ang regalong binigay ni Kuya na para kay Bianca.
"What do you think?" masungit na aniko kay V.
"Napangitan?" He guessed.
"Namahalan," sagot ko.
He smirked, "ang sweet kasi ni Kuya Benedict, nakakakilig!"
Sinamaan ko siya ng tingin saka nagbihis at gumayak na. Lahat kami ay pinapunta sa meeting Hall nang araw din na iyon. 37 pa kaming natitira at hindi ko alam kung ilang buwan pa kami magtatagal o mananatili sa training.
Tinawag sa harap ang 11 na nagkaroon ng points na 201, kasama na ako roon kaya pumunta na ako sa harap. Pati si Barbie ay napasama rin at mas mataas na ang puntos niya sa akin, 224 ang points niya at panglima sa amin, samantalang ako ay nasa pangpito. Si Cullen ang nangunguna sa amin ngayon na may puntos na 274, pumangalawa si Dahlia.
"Congratulations for this eleven students, because I officially announced that you are now stepping forward to Class E," masayang anunsyo sa amin ni Pink Rabbit.
"You may now go to your new classroom, Class E. And to Class F, don't give up, this is not the end. Marami pa kayong pagdadaan. Sa ngayon, Chase ahead, but make sure you get in."
Pumunta na kami sa bagong Classroom namin, ang classroom ng Class F. Mas maliit ito dahil konti nalang kami. Gayunpaman may mga gamit sa gilid, mga armas na pwedeng makatulong sa aming pagsasanay. Pumili kami ng upuan na pwede namin upuan. Pinili kong malapit ang upuan kay Barbie, hanggang ngayon ay umiiwas at hindi pa rin niya ako kinakausap, galit sa natanggap na sagot ko tungkol kay Bianca. Alam kong nagseselos siya, hindi ko alam kung hahayaan ko nalang ba na magselos siya para hindi masabi o mapaliwanag kung bakit ganoon ang pinili kong maging desisyon kung sakaling ako ang nasa katayuan ni Vince kahapon. O magsosorry at ipaliwanag sa kaniya kung bakit ganoon ang desisyon ko. Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya, pero ayoko lang madamay pa siya sa kung anong pinoproblema ko tungkol kay Bianca.
"Good Morning Class E, welcome to my class. I am Big Papa and I am going to be your instructor, " dumating at nagpakilala sa amin ang isang lalaki na malaki ang katawan at may kayumanggi ang kulay.
"Ang ituturo ko sa inyo ay ang pag-arte or acting," ngisi niya.
"Pag-arte?"
"Acting?"
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...