Chapter 31

51 5 0
                                    

Cruise Ship

*Cullen's POV*

Mabilis matuto ang ilan sa mga first timer sa pag-drive ng kotse. Halos lahat ay may alam na sa pagmamaneho. Iyon nga lang ay may mga iilan pa rin nakakabangga ng putik, langis, at road cones. Madaling imaneho, pero mahirap pa rin kontrolin at iwasan ang mga bagay na dapat iwasan. But in the end, madaling turuan ang ibang first time makapagmaneho. Iyon naman talaga ang isa sa amin, ang i-practice sa sarili namin ang pagiging mabilis at maalam sa mga bagay-bagay.

Hindi tulad kahapon sa motorbike ay inabot kami ng madaling araw bago namin matapos ang challenge. Ngayon naman ay hapon palang nagawa na namin napagtagumpayan ang challenge na ibinigay sa amin.

"Good Job, Esmians. Na meet n'yo ang expectation ko sa inyo. Mabilis na kayong turuan at mabilis na kayong matuto. For your next challenge, I'm expecting na higitan n'yo ang expectation ko sa inyo. You really did well sa mga tasks na ibinibigay namin sa inyo." Masayang bati sa amin ni Head Master Black Lion.

"Pack all your things and get ready for tomorrow, Esmians." Pink Rabbit said.

"Where are we going?" Dahlia asked.

"To the next destination..."

We have no idea if saan nila kami dadalhin. However, we are all excited for that. Gaya nang nasabi nila, nag-empake at inihanda na namin ang mga gamit na dadalhin namin. Sinabi rin sa amin na wala munang jogging bukas.

Kinabukasan, alas-kuwatro palang ng umanga nang nakahanda na kami. Nandito kami ngayon sa malawak na lugar na parte ng EsMia. Dito raw bababa ang eroplano na susundo sa amin.

Nakahilera na kami, parepareho kami ng kasuotan sa pang itaas, yellow t-shirt na may tatak ng Esmians Philippines at sa likod nito ay ang logo ng EsMia. Ramdam ko ang excitement sa mga kasama ko sa kung saan kami pupunta. Kasama rin namin sina Black Lion, Commander Bitter Rude, Agent Speed Heart, Agent Wind Star, at Agent Wave Square. Ang tatlong Agent ay ang mga nauna at kabilang sa mga nagwagi noong nakaraang taon lamang. They are the Team Captain in their year. Ngayon lang din namin sila nakilala, although, pumupunta punta pa rin naman daw sila dito sa EsMia, ngunit madalang na lamang dahil sa mga mission na nakaatas sa kanila. Mga lalaki ang nakakuha ng pwesto for the Team Captain last year, at sila sila iyon.

"They are here, Head Master." Agent Wave Square updated.

Nakita na nga namin ang paparating na eroplano na bababa malapit sa amin.

"Esmians, be ready!" Head Master Black Lion, commands.

"Yes, Head Master!" Sabay-sabay na sabi namin.

*Freeda's POV*

No one's know where they will take us. Sumakay kami ng eroplano, nag-kanya-kanya kaming pwesto, dahil malawak naman ang eroplano, at pinili naming lahat na tumabi sa mga bintana, para masulyapan ang alapaap.

Nakatulog na kami dahil sa hindi inaasan na matagal pala ang byahe namin. Nagising na lamang kami nang may malakas at nakakabinging ingay na nakapagpagising talaga sa amin.

"Esmians, wake up. Get ready!" Commader Bitter Rude said.

"Why? Hindi pa nakakababa ang eroplano." Ani Vanessa.

"Nandito na tayo, iiwan n'yo ang mga gamit n'yo rito. Ihuhulog namin ito sa barkong pupuntahan n'yo. " Agent Wave Square said.

"Kami? Kami lang? Paano kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Douglas.

"Baba kami roon gamit ang lubid na hagdan, mauuna kami roon. Ngunit kayo ay hanggang dito na lamang. Tatalon kayo sa dagat at lalangoy kayo hangga't makapunta sa Cruise Ship na kung nasasaan kami." Paliwanag pa ni Agent Speed Heart.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now