Chapter 15

66 13 0
                                    

Win or Lose?


*Cherry's POV*

"Meron bang gustong mag-volunteer na mauuna?" tanong sa amin ni Commander Venus.

Nandito kami ngayon sa Gym Hall, para magkaalaman na kung sino pa ang mananatili at sino naman ang hindi. Bawat isa sa mga unang magtataas ng kamay ay mabibigyan ng pagkakataon pumili ng maaari niyang makalaban sa one on one fight, na kung saan susubukan ang kakayahan mong makipaglaban sa pamamagitan ng KungFU Fight , o maging ang nga natutunan na mga techniques na naituro sa amin noon.

Kapag nanalo sa labanan na naganap sa pagitan ng nakalaban mo ay mapupunta sa iyo ang lahat ng puntos na mayroon siya, kaya ang matatalo ay mawawalan ng puntos o zero point, dahilan para mapasama sa ma-e-evict. Maaari naman maligtas o magkapuntos ang mga natalo na kung sakaling ipasa sa kanila ang puntos na makukuha ng manlalaro, habang sa manlalaro na iyon ay walang mababawas o walang madadagdag na puntos sa kaniya, in short ay nakipaglaban siya para magkapuntos muli ang may zero na point.

Kung sakaling piliin naman ng manlalaro sila Commander Venus o Commander Sun ay 201 points ang makukuha mong puntos. Aangat agad ang Class mo. Ngunit kung matalo ay siguradong mapapasama sa Eviction na magaganap bukas.

"Ako na!" taas noo na volunteer ni Riz.

"Riz, tumayo ka rito sa gitna," utos ni Commander Sun na ginawa naman ni Riz. "Sino ang gusto mong makalaban?"

"Si Commander Venus," napangisi sa kaniya ang dalawang Commander. Nagsimula naman magbulungan ang ibang estudyante at nag-alala para sa kaniya.

"Seryoso ba siya diyan? Walang nakatalo sa mga Commander noong last na laban, dapat ay nag-play safe nalang siya, pinili niya ang tingin niya na mahina." Dinig kong mahinang sabi ng isang estudyante malapit sa pinag-uupuan namin nila Dahlia at Bianca.

"Sigurado ka na ba diyan?" muling tanong sa kaniya ni Commander Venus.

"Yes, Commander!" sagot niya.

"Kung ganoon ay magsimula na tayo." naghanda na si Riz at Commander Venus para sa labanan na magaganap sa pagitan nilang dalawa.

Ilang saglit naman, sa gitna ng laban nila ay dumating ang mga Head. Hindi nahinto ang laban doon, naupo at nanood ang mga Head ng tahimik.

Halatang hindi kinakaya ni Riz ang lakas ni Commander Venus, pero pinipilit niyang ibangon ang sarili niya para makayanan matalo si Commander Venus.

"Maaari kang sumuko na kung hindi mo na kaya," ani sa kaniya ni Commander Venus sa gitna ng laban nila.

"Hangga't kaya ko, lalaban ako." Dahil determinado ay nagawa niyang masipa si Commander Venus sa tiyan, dahilan para mapaatras ito. Ngunit nang sumugod na muli sa kaniya si Commander Venus ay hindi niya ito naiwasan dahilan para manghina at matumba na siya sa sobrang pagod.

May binigay na 20 minutes para sa paglalaban, kung wala man sumusuko sa laban, ay titingin ang mga Head at Commander sa mga maraming nagawang suntok at laban, kaya malalaman pa rin kung sino ang panalo at sino ang hindi.

Hindi pa man umaabot ng 20 minutes, dahil binilangan na siya ng sampung segundo at hindi nakatayo. Wala siyang nakuhang puntos at Zero na ang point niya ngayon, swerte nalang niya kung may mabuting tao na magbibigay sa kaniya ng puntos sa mga susunod na mananalo.

Tatlong sumunod ang sumubok matalo sila Commander Venus at Commander Sun, ngunit ni isa ay walang nagwagi. Sa mga sumunod na laban ay nag-play safe ang iba na kung saan kapwa estudyante na nila ang pinipiling makalaban. Wala pang pumipili sa akin, at ayoko pa naman mag-volunteer. Hindi sa natatakot ako, naghihintay lamang na gustong kumalaban sa akin.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now