Chapter 38

32 4 1
                                    

Mission

*Dahlia's POV*

Pasimple kaming naglingunan sa isa't isa nang marinig ang mga salitang binitawan ni XS. Parang magkakakonekta ang utak namin na sa tingin lang ay naiintindihan na ang nais iparating sa isa't isa.

Papalapit sa amin ang mga kalalakihan. Habang papalapit sa amin ang iba at ngumingisi ang mga lalaking papalapit sa mga babae ay nagsimula ng magsalita si Anthony.

"Bilang."

Tumango naman kami. Saka nagsimulang magbilang ang iilan sa amin.

"Singko," panimula ni V.

Naguguluhan na lumingon sa amin ang mga kalalakihan. Nangunot ang mga noo.

"Kwatro," patuloy ni Endrix.

"Nani o itte iru!?" [What are you saying!?] Sigaw sa amin ng isang lalaki. Hindi namin pinansin ito at nagpatuloy sa pagbibilang.

"Tres," sumunod si Dazzler.

"Dos..." Ani Cullen, nang makalapit na sa amin ang mga tauhan.

"Uno." Sabay-sabay namin na sabi saka kami mabilis tumayo. At hatakin ang mga baril na hawak ng mga armadong lalaki, malapit sa amin.

Agad namang may nagpaputok sa gawi namin, ngunit mabilis din namin itong naiiwasan.

Ang nakuhanan ko ng baril ay agad kong ipinukpok sa nguso niya ang baril, dahilan para dumugo ang ilong niya. Saka ko naman tinuhod ang ano niya, kaya napaluhod at namula siya sa sakit na naramdaman niya roon.

"What are you staring at there?! Shoot them! Stupid!!" Taranta at sigaw ng boss nila sa ibang mga lalaki na nasa sasakyan pa.

Patuloy ang pakikipaglaban namin sa mga kaharap namin. Marami kami, pero mas marami sila. Ngunit mas marami man sila ay mas magagaling kami pagdating dito.

Gulat kami at napayuko nang sunod-sunod silang magpaputok sa gawi namin.

Mas binilisan namin ang pagpapatumba sa mga lalaking ito. Ang iba ay sumusugod sa amin.

"Who told that they are only 30?!" Sigaw ko na tila hindi sila nauubos.

"Sorry, my bad." Pagpapaumanhin ni V pagkatapos niyang mapatulog ang katapat niya.

Agad siyang tumakbo at kinasa ang baril. Saka niya ito sunod sunod pinatama sa mga kamay ng mga armadong lalaki na may hawak na baril, dahilan para mabitawan nila ang mga hawak nilang baril. Napamangha man niya kami dahil sa bawat pagputok at tama niya ay sakto sa pwesto kung saan niya iyon gusto patamain ngunit nagulat pa rin kami dahil bumaril siya.

"V!"

"What did you do!?"

"Stop it!"

"Oh, my gosh!" Sunod-sunod na sabi namin nang masaksihan ang ginawa ni V.

"Chill," natatawang sabi niya sa amin. "This is not their gun. This is the weapon I chose for my prize, yesterday. This is good pala. It can numb the human body. Look they are not bleeding. It's safe." Turo pa niya sa mga binaril niya.

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng isang lalaki na nananatiling nakatayo malapit sa mga biktima.

"Don't come!" Pagbabanta niya nang papalapit ako, kaya umatras ako. "I'll shoot them! Put down your guns!"

Dahan dahan kong binaba ang baril na hawak ko saka tinaas ang mga kamay ko.

"Naze anata wa kore o yatte iru?" [Why are you doing this?] I asked.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now