Dream
*Dahlia's POV*
"Kilala mo si Annika, Number 2?" biglaang tanong ni Venus sa akin nang matapos ang pag-aanunsyo ng mga puntos na nakuha namin.
"She's..." hindi ko matuloy ang sasabihin, nag-aalinlangan.
"She's... what?" muling tanong ni Venus.
I sighed, "She's a friend of mine.. before." sagot ko.
"Great... " tanging nasabi na lamang ni Venus, dahil parang pinipigilan pa nito ang sariling magtanong, kundi lamang sa iba pang estudyante sa loob.
Kinagabihan, 8 pm nang ipatawag ang lahat sa meeting hall.
"Good evening, EsMians!" panimulang bati sa amin ni Pink Rabbit.
"We're here to announce, na bukas ay kailangan ng umalis ng mga estudyanteng walang nakuha na puntos. Kaya maghanda na kayo aa pag-alis ninyo." anunsyo nito.
Sinabi ng isang Agents ang mga Numero ng kailangan umalis. Hindi naman mapigilan maiyak at malungkot ang iba.
Nalungkot ako para sa kanila, nag-uumpisa palang kami pero halos kalahati na ang natanggal sa amin. 233 students ang natanggal. Nakakabigla ang dami ng matatanggal agad.
Siguro nga ganoon talaga. Hindi lahat ay p'wedeng manatili dahil hindi lahat ay p'wedeng magwagi.
*Bianca's POV*
Kinabukasan, ganoon ulit ang naging routine ko, ang gumising nang 2pm para pag-aralan ang Japanese Language.
'Pagkatapos namin mag-jogging, umikot ng tatlong beses saka kumain, ay bago pumunta ng study hall, nagpaalam kami sa mga natanggal at aalis na estudyante.
Napakabilis ng araw, wala pa kaming isang linggo dito pero ang dami na agad natanggal.
Sa dalawang linggong pananatili namin dito, nag-focus ang mga trainer sa pagturo sa amin ng mga self-defense, mga techniques sa pakikipaglaban na walang kahit na anong armas na hawak. Iba na ngayon, dahil lalabanan ka pabalik ng kung sino ang makakatapat mo.
Iba't ibang paraan din ng pag-hack, ang itinuro pa sa amin. Maging kung paano gumawa ng fake account, paano malaman ang kinaroroonan ng isang tao, at kung ano-ano pa na tungkol sa teknolohiya.
Sa sumunod na linggo ay tinuruan na kami sa iba't ibang klase ng armas na maaari namin magamit, mga iba't ibang klase ng baril, kutsilyo, arnis at iba pa ang ipinahawak sa amin at itinuro kung paano ang mga tamang gamit.
May mga sanay at magaling na rito, ngunit ako ay arnis lang ang alam na gamitin. Sa kalagitnaan ng pag-eensayo ay lumapit sa akin si Ivan nang mapansin ako nito na hirap sa tamang paghawak ng baril.
"You need help?" tanong nito sa akin.
"Ahh, okay lang ba?" tanong ko.
"Yeah," sagot niya saka pumunta sa likuran ko saka ako parang niyakap at hinawakan ang kamay ko para ilagay ang mga daliri ko sa tamang puwesto nang hawak ang baril.
"Close your one eye para matanaw kung tama ba ang tutuk ng baril sa target mo. " muling turo niya na sinunod ko naman.
Nang sinubukan kong maiayos ang baril ay sinumulan ko itong iputok at nagawa kong maitama ito sa target.
Napangiti ako dahil doon, umatras siya saka sinabi sa akin na ulitin ang ginawa, at nang muli kong subukan ay nagawa ko ulit.
"Mabilis kang matuto, ipagpatuloy mo lang," sabi nito habang nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya.
Napatingin ako sa gilid nang matanaw si Barbie na tumitingin sa gawi namin. Pansin ko ang pagnguso niya habang masama ang tingin sa amin dalawa.
"Hey, 'yung girl friend mo, nagseselos na ata." napatingin siya kay barbie saka muling binalik ang tingin sa akin na nakangiti.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...