Run
*Bianca's POV*
"Good Day! EsMians,
We would like to inform you that our bus is ready to pick you on June 29, 2020 at exactly 5 o'clock in the morning, in front of your house.
Espionage Academia is excited and ready to see you. 'Chase ahead, but make sure you get in.'
This is Pink Rabbit from Class A S.Y 1984-1985 of Espionage Academia."
'Handa na ba ako?', iyon ang naging tanong ko sa aking sarili nang mabasa ang ipinadalang sulat sa akin ng EsMia, sa pamamagitan ng Ibon na Robot.
Nakakamangha ang mga bagay na pagmamay-ari nila, kaya mas lalo kong kinukumbinsi ang sarili ko na magpakatatag at manatili hanggang sa mga huling hamon.
Maraming paalala at pangaral akong iniwan sa mga kapatid ko, malakas man ang Lola Mila namin ay nagiging ulyanin o makakalimutin na rin ito.
"Clarence, Aldrin at Kaye lagi kayong susunod kay Lola ah. 'Wag matigas ang ulo, tulungan n'yo palagi si Lola sa pagtitinda at sa gawaing bahay. Mag-aral din kayong mabuti. Piliin ninyo ang mga sasamahan n'yo," ilan lamang iyon sa mga pangaral at paalala ko sa mga kapatid ko.
Hindi na rin sila mamomroblema sa mga kakainin at pambaon nila sa eskwela, maging ang mga kagamitan pang-eskwela ay kumpleto na sila. Tinupad ni Black Lion ang pangako niyang siya ang sasagot sa pangangailangan ng mga kapatid ko habang wala ako. Sa kadabuwan na matatapos ay magpapadala siya ng pera pang-groceries at iba pang panggastos sa bahay.
Ang alam nila ay nakatanggap ako ng isang scholarship, kaya may natatanggap ako na pera. Ang sobrang pera naman na maipapadala sa kanila ay sinabi kong dahil iyon sa part-time na pagtatrabahuhan ko. Kaya hindi na nila aakalaing nangutang ako para makapasok sa EsMia at may maibigay na pera sa kanila.
Alam kong walang kasiguraduhan na makakapasa ako, but I need to take a risk, I will make sure that I will give and show my best to them.
Nang dumating ang araw ng pag-alis ko, nag-iiyakan na ang mga kapatid at Lola ko.
"Buknoy," tawag ko sa kababata ko na kapit-bahay namin. "Pakitignan-tignan nalang ang Lola at mga kapatid ko ah," naiiyak na sabi ko.
"Makakaasa ka Ibyang! Basta mag-iingat ka palagi," aniya.
Nakahanda na ang mga gamit at mga dadalhin ko, inihanda ko na rin ang sarili sa pag-alis. Nang tumapat ang bus ng EsMia, bumaba ang isang lalake para tulungan ako sa pagbuhat ng mga gamit ko.
Halos puno na ng mga naka upo na sa tingin ko'y estudyante rin ang mga upuan. Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi ng babaeng may ngiti na salubong sa akin.
"Hi, I'm Cherry," pagpapakilala niya. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang pakikipagkamay niya.
"Bianca," sinagot ko rin siya ng nakangiti. Maganda at maamo ang kanyang mukha, may pagkasingkit ang kanyang mga mata at tama lang ang tangos ng ilong, manipis ang labi, may kaputian ang kanyang balat at straight at pink naman ang kanyang buhok.
"You're so pretty, may lahi ka?" aniya.
"Ah, yung nanay ko pilipina, ewan ko lang sa tatay ko, siguro." sagot ko. "Ikaw? Mukhang ikaw ang mayroon e."
"Half-Japanese at half-Pilipino," cool.
*Cherry's POV*
Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon, pinaghandaan ko talaga ang araw na ito, ang araw na muling pagbabalik ko sa EsMia. Yes, this is my second time na pumasok sa EsMia para maging ganap na Secret Agent.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...