Chapter 36

30 6 1
                                    

TRIGGER WARNING ⚠️ This Chapter contains physical fight - self harm and so on. Please don't read this if you're not comfortable.

Your mental health is more important.

Close

*V's POV*

Intense ang naging labanan sa pagitan ni Dazz at Liyou. Samantalang kami ang napapaaray sa tuwing natatamaan ng mga suntok at sipa si Ibyang ng kanyang katunggali.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ngayon ni Ibyang. Alam niyang mabilis kumilos at tumira ang katunggali niya, ngunit mabagal siyang kumilos para sanggain niya ang mga tira ng kalaban.

Ilang beses siyang natumba dahil sa mga tira sa kanya ni Xin. Ngunit ganoon din ang bilang ng kanyang pagsubok na tumayo muli.

Sa muling pagtayo ni Ibyang galing sa pagkakatumba ay pumikit ito saka huminga ng malalim. Dahil hindi kumikilos si Ibyang sa kinakatayuan ay huminto sa pag-atake si Xin. Nangunot ang kanyang noo na tila hindi maintindihan kung bakit nakapikit si Ibyang.

Hindi ko rin maintindihan ang ginagawa ni Ibyang. Lalo na ang kanyang iniisip sa mga oras na ito. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at walang bahid na kahit anong emosyon ang pinapakita ng kanyang mukha.

Nagsimulang magbulungan ang iilang mga tao na nanonood sa laban, dahil sa paghinto ng dalawa sa labanan.

"Why she's closing her eyes!?"

"Is she crazy?!"

"What the...My gosh! She's in the middle of her fight!"

"Is she for serious?'

"What is she doing?"

"What is she thinking?"

"I am the one who get nervous to the fight she is showing! My goshhhhh. Move, girl!"

Natigil ang mga nagsasalita nang magsimulang ihanda ni Ibyang ang sarili. Iniayos niya ang kanyang mga paa mula sa pagkakatayo. Ang mga kamay ay iginalaw at isinaayos din na tila handa sa muling pag-atake ng kalaban.

Nanatiling nakapikit sa Ibyang. Hinahangin ang iilang hibla ng kanyang buhok na nagbibigay angas at ganda lalo sa kanya. Ang paligid ay tila kanyang pinapakiramdaman.

Tumango siya sa kalaban na kaharap. Inihanda naman kaagad ni Xin ang sarili para sa muling pag-atake. Hindi gumalaw si Ibyang sa kinatatayuan at hinintay si Xin sa paglapit.

At nang magbibigay suntok si Xin ay mabilis iniwasan ito ni Ibyang. Ganoon din ang ginawa niya sa tangkang pagsipa sa kanya ni Xin. Nagpatuloy ang mabibilis na pagtira ni Xin, pero hindi hinahayaan ni Ibyang iyon na tumama sa kanya. Napalunok ako sa bilis na pinapakita ni Ibyang. Tulala at mangha sa nakikita.

Napansin kong hindi lang ako ang napatayo sa nakakamanghang galawan na pinapakita ni Ibyang. Nakapikit pa rin itong nakikipaglaban. Napahinto sa pakikipaglaban ang ibang manlalaro nang lingunin nila ang pinapanood na labang ng mga taong nanonood.

Kita ko sa mga mata at mukha ng mga Head Master, Agents, Commanders at iba pang manonood ang pagkamangha at gulat sa kakayahang mayroon si Ibyang. Maging ako ay hindi inaasahan na magagawa niyang makipaglaban ng nakapikit. Tila alam na alam niya ang ititira sa kanya ni Xin. Tila memoryado niya ang mga kilos nito. Kaya alam na rin niya kung saan matitira si Xin.

Kasama ako sa mga napanganga sa pakikipaglaban ni Ibyang nang makitang lahat ng suntok at sipa niya ay tumatama kay Xin.

"I thought....I already know Bianca...Hindi pa pala..." Namamangha at tulalang sabi ni Dahlia.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now