Chapter 45

29 3 1
                                    

*Bianca's POV*

"Bianca..."

Ngumiti ako sa kanya. "I did it, Black Lion. I did it." Masayang balita ko sa kanya kahit pa na alam ko na alam na niyang nagawa kong makapasa sa training para maging isang ganap na Spy.

Tumango lamang siya saka ngumiti sa akin.

"Mababayaran na kita, triple. Yeah, naaalala ko pa ang sinabi mo sa akin no'n. Sobrang laking pasasalamat ko talaga sa'yo dahil naririto ako ngayon." Dire-diretsyong sabi ko.

"Congrats, Bianca. You did well. Sigurado akong proud na proud sa'yo ang pamilya mo."

"Thank you...so much." Nakangiti pa ring ani ko.

"But... I am not here in front of you to talk about that thing."

Kung kanina ay hindi ko napapansin ang lungkot sa mga mata niya, dahil kahit papaano ay nagpapakita siya sa akin ng pilit na ngiti. Ngayon ay mas pansin ko iyon.

"W-why?" Nagtatakang sabi ko.

Umalis na ang mga kasamahan ko. Kami nalang ni Black Lion ang naiwan sa labas, kasama si Commander Bitter Rude na nasa malapit lang, nakasandal sa isang mahabang lamesa at nakatanaw sa amin.

"You're not gonna leave the EsMia tomorrow." He said.

"Bakit? May nilabag ba ako o nagawang hindi kanais-nais?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"You're not gonna leave the EsMia tomorrow because you're gonna leave the EsMia tonight."

Kinakabahan na ako sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko alam kung bakit. Kung may nagawa ba akong mali? O ano? Dahil wala akong maisip na nilabag ko.

"I-I'm sorry, Bianca." Nang sabihin niya iyon ay nakita ko ang pangingilid ng luha niya.

"H-head M-master..." Nanghihina na tawag ko sa kanya.

Umiling-iling siya sa akin. "Ready yourself, start packing your things..."

Pinapaalis na ba niya ako? Tanong ko sa isip ko.

"I don't understand... why?"

"Y-your siblings need you right now."

"B-bakit p-po?" Hindi ko maintindihan pero nag-umpisa nang mangilid ang mga luha ko.

"Your Lola is already resting in Peace."

I smiled. My tears started to run down my cheeks and nose.

Ilang beses sumubok bumuka ang bibig ko, pero walang salitang lumalabas mula rito.

I laughed. "I-I don't understand, Black Lion. Ano 'yon? A-anong resting in peace? Hindi ko maintindihan. "

Hindi ko nga ba maintindihan? O ayaw ko lang intindihin.

"I'm really sorry, Bianca. Wala na ang lola mo." Hindi ko alam pero parang nageecho pa ang mga salitang iyon sa isip ko.

Wala na?

"P-paano?" Tanong ko habang unti-unting napapaluhod sa sobrang panghihina ng buong katawan ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Commander Bitter Rude, pero hindi ko siya pinansin. Mas nangingibabaw sa akin ang pamamanhid ng puso ko. Para itong pinipiga sa sobrang sakit.

Ilang minuto pa akong humahagulgol, hanggang sa mapagdesisyunan ko nang tumayo muli at punasan ang mga luha ko sa mukha.

"Gusto ko siyang makita." Paki-usap ko kay Black Lion.

Tumango ito sa akin, "pupuntahan natin siya." He said.

"Mag-empake ka na at maghanda." Ani Black Lion.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now