Help*Dahlia's POV*
"Ang galing talaga ni Ivan, siya ulit ang number 1"
"Hindi ba si Ryder kakapasok lang sa Class E, Class D na agad siya dahil sa laki ng points na nakuha niya."
"Paano naman si V, hindi ba't natalo na niya si Commander Sun noon, bakit noong si Commander Venus na ang kinalaban niya, natalo siya."
"Halata namang nagpatalo lang si V sa kaniya."
"Look, hindi talaga deserve ni Bianca noon palang ang puntos na nakukuha niya, ang laki ng points na nabawas sa kaniya."
Hindi ko na napigilan makisingit sa mga chismisan ng dalawa na sina Love at Nora malapit sa akin nang marinig ko ang pangalan ni Bianca.
"Excuse me, hindi ba pwedeng tumingin nalang kayo ng tahimik sa Rank List. Hindi iyong kung ano ano pa ang pinag uusapan ninyo," masungit na ani ko sa kanila.
"Porket number 2 ka lang Dahlia, ang taas na ng tingin mo sa sarili mo," masungit din na sagot sa akin ni Nora.
"Oh, yeah, nabababaan siguro kayo sa sarili ninyo. Well, hindi na ako magtataka, pang number 34 at 35 kayo , " peke akong ngumiti saka lumipat ng pwesto para tignan mabuti ang Rank List.
Kani-kanina lang natapos ang challenge namin, dalawa na agad ang natanggal sa amin dahil wala na silang puntos, si Lorence at Charles, pareho silang sumubok na kalabanin ang Commander para makakuha ng 150 points, ang ending nawalan sila pareho ng puntos. Mayroon namang pinalad na matalo ang isa sa nga commander katulad nila Blake, Ryder, Endrix at Ivan.
Pinili kong kalabanin si Brent, para mapaghiganti si Cherry. Hindi ako titigil hangga't hindi siya naaalis, siya ang target kong mapaalis. Dahil natalo ko siya 100 points ang nawala sa kaniya at 100 points naman ang nadagdag sa akin.
Ang iilan na galing sa Class F na piniling kalabanin ang Class E ay nagwagi. Dahil na rin sa tadtad sila ng ensayo roon, samantalang kami ay ang pag-arte ang pinagkakaalabahan nitong mga nakaraang linggo.
"Good evening, EsMians!" bati sa amin ng Head na si Pink Rabbit.
"Gusto kong batiin kayong lahat ng "Congratulations!" for doing the best you can para maipanalo ang mga hamon sa inyo. Hindi madali ang mga hamon. Ikinalupungkot kong sabihin na may dalawang matatanggal na naman sa inyo. Alam kong nasabi na namin ito sa inyo noon, na kung sakaling maging zero ang point ninyo ay automatic maaalis na. Tomorrow ay ihahatid na natin sa van sila Lorence at Charles, " mahabang salaysay ni Pink rabbit.
"Bukas ay may pagbabago na naman. May lima na tayong challenger na makakatungtong sa Class D, sina Ivan, Dahlia, Anthony, Barbie at Ryder," anunsyo naman ni Black Lion.
18 students ang nasa Class E na, samantalang 13 students naman ang nasa Class F. May mga naalis sa Class E at bumaba ang rank katulad nila V, Chris at Daniel. Marami naman ang tumaas ang points sa dating Class F dahil sa pag eensayo nila.
"Hey, are you okay?" tanong ko kay Bianca nang makitang hindi pa ito natutulog at nakadungaw sa bintana.
Napalingon siya sa akin saka ngumiti.
"Hindi ko lang maiwasan malungkot dahil bumaba ang points ko imbis na tumaas," pag amin niya.Tumayo ako sa kama ko saka ko siya tinabihan. "Law of attraction," I said.
"Ha?" nagtatakang sabi niya.
"Ang sabi nila kapag malungkot daw ang isang tao, puro negative ang papasok sa isip mo at buhay mo. Kapag iniisip mo na kaya mo, kakayanin mo talaga. Pero kung sasabihin at iisipin mo sa sarili mong hindi mo kaya, matatalo ka at hindi mo talaga kakayanin. Choose to be happy, Bianca. Always, choose to be happy. Para maging positive ka lang palagi."
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
AkcjaDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...