Chapter 24

74 8 0
                                    

Roles

*Bianca's POV*

"Ouch!" napaaray sa sakit si Ivan at napahawak nalang ito sa namumula niyang pisngi ngayon, matapos siyang sampalin ng malakas ni Dahlia.

Naiiyak na si Dahlia sa panggigigil kay Ivan.
"Akala mo hindi ko malalaman!" unti unting tumulo ang mga luha sa pisngi ni Dahlia.

"Dahlia, tama na, tara na, ang dami nang taong nanunuod," pagpigil ko sa kaniya, napakagat na rin ako ng labi ko sa takot na kung ano pa ang kayang gawin nito kay Ivan.

"Hindi!" inalis ni Dahlia ang kamay at braso niyang hinahawakan ko. Napaatras ako sa gulat.

"Kailangan malaman ng lalakeng ito, kung gaano siya kabobo at katanga sa mga bagay na pinaggagawa niya!" dinuro duro pa ni Dahlia si Ivan, tumulo na rin ang luha ko, maging si Ivan.

"Dahlia, I'm sorry, please let me explain..."

"Let you explain!!? Ano ako?! Tanga?! Para maniwala pa sa kahit anong sasabihin mo?! Pinagmukha mo na akong tanga noon! Kaya hindi ko na hahayaan ang sarili kong... " tila hindi matuloy ni Dahlia ang sasabihin. "ang sarili kong... Umasa na magbabago ka... At ipaglalaban mo ako! Manloloko ka! Pare parehas lang kayong mga lalake! Gago!!" Sigaw nito kay Ivan.

"Is that what you think of me, Dahlia?" tumango tango sa kaniya si Ivan, pumamewang ito at tila nag iisip ng sasabihin. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Do you know what is the problem in this situation? Dahlia, wake up! This is not my only fault, it is also your fault, you're not listening to my explanations, umalis ka nalang ng walang paalam! Umalis ka nalang ng hindi mo pinapakinggan ang kung anong eksplanasyon ko! Dahlia, you know what, what I am afraid now?" tanong sa kaniya ni Ivan.

"What??" nakayuko ang ulo ngunit nakatingin ang mga mata ni Dahlia kay Ivan.

"I'm afraid that... That, my brother will know about this stupid scene! Mabubugbog ako no'n kapag nalaman niyang ganito ang role natin dito! " kinalma niya ang sarili niya, samantalang kami ni Dahlia ay masama na ang tingin sa kaniya. "Pero okay lang," ngumiti siya at pinunasan ng luha. "So, ganoon ba ang sasabihin mo sa kuya ko kapag nakita mo siya?" tumawa si Ivan. "Ngayon, alam mo na rin ang pwedeng sabihin ni kuya sa iyo."

Nagulat at natawa nalang ang iba sa sinabi ni Ivan, pinunasan na namin ang mga pekeng luha namin ni Dahlia. Narinig ko naman ang mga palakpak at papuri ng iba.

"Ang daldal..." masama ang tingin na binulong ni Dahlia kay Ivan.

Dahil kaming tatlo ang hindi pa nakakapagperform para sa Acting. Kami ang nagsamasama para umarte. Ang goal lang namin ay lumuha, pero binigyan kami ng mga role para mas madala ang aming mga sarili. Sa tingin ko ay successful naman ang ginawa namin.

"Magaling!" ani Instructor Big Papa habang pumapalakpak. "Thank you, Ivan, Dahlia and Bianca, maaari na kayong makaupo."

Naupo na kami sa kaniya kaniyang mga upuan namin, nakinig naman kami kay Big Papa na magkomento sa mga pinakita namin.

"Hindi ba at sabi ko naman sa inyo na kaya ninyo. Kailangan ninyo lang malaman paglaruin ang mga emosyon n'yo. Look at Dahlia, kung kanina ay para na siyang isa sa mga robot nang hindi nagpapakita ng emosyon. Kailangan lang pala ng limang sampal kay Ivan, bago niya magawa."

Nagtawanan kami sa sinabi ni Instructor Big Papa, totoong naka ilan take kami bago kami makaiyak at magawa namin ng tama ang scene na gustong makita ni Big Papa.

"Sino ba si kuya, Ivan?" bumaling ito kay Ivan.

Ngumiti si Ivan, "nothing," natatawang sagot ni Ivan.

"Anyway, let's go back to our next discussion..." ani Instructor Big Papa.

"Ang ituturo ko sa inyo ngayon ay bilis ng kilos sa pagpapalit ng kasuotan, at pag aayos ng sarili. Are you ready, Class E?"


Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now