Hate
*Barbie's POV*
"Go, Ivan!" I shouted when the ball pass to him. He dribbled the ball and shoot the it to the ring. 3 points!
Naghiyawan kami sa pagkapanalo nila. Ang gagaling nilang lahat! Nagsimula kaming bumaba nang matapos ang laro. Agad namin silang nilapitan upang i-congratulate.
"Ang galing galing n'yo!"
"Yeah, they are all good in playing this game." Pagsang-ayon ko kay Vanessa.
"Come on, let's celebrate our win. Kain tayo, libre ko." Pabirong sabi pa ni Ursulo.
"Libre ka riyan! Eh, libre naman talaga lahat ng pagkain dito!" Pambabara sa kanya ni Dexie na ikinatawa namin lahat.
"Let's go, let's eat. Kanina pa ako nagugutom." Pag-aaya naman ni Ryder.
"Palagi ka kayang gutom," ani Ivan sa kanya.
Pumunta na kami sa dining hall upang nakakain. Nang makaupo ay roon lang namin napansin na hindi pala kami kumpleto.
"Bakit parang may kulang?" Kunot-noong ani Cullen.
"Anong kulang?" Natatawang tanong naman ni Blake nang hindi agad maintindihan si Cullen.
"Where's Dahlia and Bianca?" Seryosong tanong na ni Vince.
"I thought...susunod sila, right Dexie?" Aniko.
"Yes, ang akala ko rin..."
"Baka sumunod, pero hindi tayo nakita kaya sa ibang upuan umupo?" Hindi siguradong sabi ni Eula.
"Kung nanood sila. Dapat nakita na nila tayo noong nagkita-kita tayo." Kunot-noo na sabi naman ni Ivan.
"Ahh, nasa lang naman namin sila kanina. Hindi agad nakaalis kasi mukhang pinipilit pa ni Bianca si Dahlia manood, pero mukhang wala sa mood si Dahlia." Vanessa said.
"Palagi namang wala sa mood si Dahlia, 'di ba?" Malokong sabi pa ni Douglas.
Natawa ako at ang iba pero nang makita ang seryosong mukha ni Ivan ay pinigilan ko ang matawa.
"Ahh, pupunta nalang akong room namin. Tatawagin ko sila para sabay-sabay na tayong kumain." Pagpipresinta ko.
"Samahan na kita," tumayo si Dexie.
"Sige, wait namin kayo."
Pumunta kami sa kwarto namin para tawagin silang kumain. Para hindi na rin mag-alala pa sila Ivan.
Nang makapasok kami sa kwarto ay naabutan naming nakahiga si Dahlia patalikod sa amin, habang si Bianca ay nakaupo sa gilid niya at tila inaalu siya.
"What happened?" Bungad na tanong ko. "Are you guys okay?" Tanong ko pa nang makalapit kami sa kanila.
"Umiiyak ba si Dahlia?" Tanong pa ni Dexie.
"No, I'm okay." Sagot ni Dahlia na halatang pinipilit na maging ayos ang pagkakasagot.
"Ahh, she's okay..." May pag-aalinlangan na sabi ni Bianca.
"Gusto ninyo dalhan nalang namin kayo ng makakain. I think... Dahlia is not feeling well." I said.
"Okay lang ba?" Tanong pa ni Bianca.
"Yeah, of course."
"Ahmmm.... But please don't tell them kung ano ang nakita n'yo." Tumango kami saka umalis doon ng may pag-aalala.
"Ano kayang nangyari?" Naguguluhan na tanong ni Dexie habang paalis kami at papunta sa Dining Hall.
"Hindi ko rin alam..."
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...