Chapter 40

47 4 1
                                    

Helicopter

*Bianca's POV*

"What?!"

"Seriously!?"

"No way!!!"

"Yes! You heard that right. You are all going to drive a helicopter today." Commander Bitter Rude said.

Kinabukasan, nang makarating kami sa Espionage National Museum ay pinahahanda ang mga sarili namin para sa araw na ito. Ang araw kung kailan kailangan namin paliparin ang helicopter na sasakyan namin para makapunta sa next destination namin. Ang mga kagamitan naman ay unang ipapadala sa Pilipinas sa EsMia. Samantalang kami ay sa ibang destination na kailangan pumunta.

Marami ang nagrereklamo dahil karamihan sa amin ay hindi pa nakakasubok magpalipad ng eroplano o helicopter, lalo na at mag-isa lamang kami sa loob ng helicopter na papaliparin namin. Isa isang helicopter ang gagamitin para sa bawat Esmians. Iba iba na ang lugar na kailangan namin puntahan. Mayroong lugar para sa destinasyon ng Esmians Philippines at iba na rin ang sa ibang Esmians na galing sa iba't ibang lugar.

Ipinagbawal sa amin ang magdala ng kahit na anong bagay. Pati ang mga weapons na napanalunan namin ay hindi naman maaaring dalhin. Pinapwesto kami sa mga kanya kanyang helicopter na gagamitin namin.

Kabado man ay hindi ako magpatalo sa sariling kaisipan na nagsasabing hindi ko ito kakayanin.

Sigurado akong hindi nila ito ipapagawa sa amin kung sila mismo ay kinaya ang ganitong pagsubok noong nagtetraining pa lamang. They trust us. They trust us that we can fly this helicopter.

I wear what I need to wear. Pinilit kong alalahanin ang mga bagay na naituro sa amin noong nagtitingin kami ng mga bagay na inimbento ng mga Secret Agents. Nakapasa kami sa top 18 dahil lahat kami matatalino, lahat kami magagaling at lahat kami ay malalakas.

Hindi ito paunahan. Pero depende sa pagpapalipad at bilis na nagawa namin ang score na makukuha namin dito.

Nang maayos na ang dapat maayos sa loob ay nagsimula na akong pindutin ang kailangan pindutin.

"From EsMia Philippines, Helicopter number 16, Report!"

"Good day, Commanders! This is Bianca Lane Mercado of EsMia Philippines, from Helicopter number 16, ready to go."

Huminga ako ng malalim saka ko sinimulang paliparin ang helicopter na sakay ko.

"Go, Bianca. You can do that...relax." I said to myself.

"Oh, yes! It's working."

Inagatuloy ko ang ginagawa hanggang sa tuluyan ng umangat ang sinasakyan ko. Nagsimula kong maramdaman ang pagkahilo habang pataas nang pataas ang lipad ko.

Mas lalo akong nahilo nang makita kung gaano na ako kataas. Kita ko sng paligid, maganda ito tignan, pero sa ganitong pagkakataon ay hindi ko magawang maappreciate, dahil nahihilo at nasusuka na ako.

Pumikit ako at pinilit pakalmahin ang sarili. I need to focus on this. Nang sinubukan kong magmulat ay natanaw ko ang ibang kasamahan, hindi ako sigurado kung sino iyon pero gayunpaman ay iyon ang nagbigay lakas sa akin na maipagpatuloy ang paglipad.

*Douglas' POV*

"Wohooooo!!! Lola nasa langit na rin ako!!! Anong akala mo, ikaw lang ang may kakayahan makapunta ng langit!?" Tumawa ako sa sobrang kasiyahan na nararamdaman.

"Ako rin, Lola!!" Sigaw ko pa.

Nakapatay ang mic ko kaya walang kahit na sinong makakarinig sa akin. Inenjoy ko ang pagsakay sa Helicopter na ito. First time man ay napa-proud ako sa sarili dahil nagawa kong i-drive ito.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now