Cheer Up
*V's POV*
"May mga agent diyan na pwedeng mag-ayos sa inyo. You can also use other rooms para magpractice ng isasayaw at kanta ninyo. Maaga pa at marami pa kayong oras para maghanda, kaya gusto ko maganda at masaya ang ipeperform ninyo," nakangiti kong ani sa kanila. Kumain na kami ng tanghalian kaya marami na silang oras para maghanda.
"Woah, hindi ko alam na mayroong ganitong room sa EsMia," Daniel said.
"Ang lakas mo sa mga Head at Agents, V, ah, bilib na talaga ako sa iyo," ani Bright.
"Sige na, matutulog muna ako, galingan ninyo, ah, 8 PM ang start, after dinner," I said.
"Yes, V!" sabay sabay na sabi nila.
Iyon lang ay umalis na ako para makapagpahinga.
Nang makarating ako sa kwartong tinutuluyan ni Lili, ay agad ko siyang kinuha, saka ako humiga sa couch, inihiga ko naman si Lili.
Pumikit ako saka nag-isip ng malalim.
"Lili, malapit na tayong umuwi, where do you want to travel?" I asked my cat, pero syempre hindi ito sasagot. Hinihimas himas ko lang ang ulo niya, para maging komportable siya sa pagtulog.
"Lili, I miss mom, I want a hug from her, is it possible?"
"Tomorrow will be my last game that I will play. Are you excited? "
"I'm sorry, mom... I can't... I just can't do the things you want me to do. I'm tired, I'm really tired, so damn tired... I miss you so much..." nang maramdaman ang luhang dumaloy sa pisngi ko ay naupo ako at dumukmo sa aking tuhod, at doon umiyak ng umiyak na parang bata, humahagulgol. Walang tigil ang pag-iyak ko. Hindi takot na umiyak ng umiyak at magpakita ng kahinaan sa aking pusa.
Wala naman CCTV dito kaya hindi malalaman nang kung sino ang pag-iyak ko. Nakapatay rin ang ilaw, komportable sa dilim kaya doon umiiyak.
"Mom... Kung ang paraan lang para makasama ka at mayakap, kunin mo na ako, please, kunin mo na ako. I don't want this life without you. I don't know how to live. I can't... Help me, mom, I don't know what to do in my life," I breakdown, solid yung sakit at iyak. Sinuntok suntok ko ang dib dib ko na para bang sa ganoon ay mawawala ang sakit ng nararamdaman ko.
Nang mapagod ay bumalik ako sa paghiga at ilang saglit lang ay nakatulog na ako nang mahimbing.
*Douglas's POV*
"1..2...3...and 4" bilang ni Chris.
Siya ang nagtuturo ng isasayaw namin para mamaya.
Nandito kami ngayon sa Dance Room, nagpapractice. Pinahiram kami ng laptop at projector ng agents. At syempre may nagbabantay pa rin sa amin, para makasuguradong hindi puros kalokohan ang ginagawa namin.
"Chorus lang ang alam ko kantahin, e" si Daniel.
"Kami rin naman," natatawang sabi ni Carlo. Kaya natawa na rin kami.
"Sayaw nalang gawin natin tapos mag-lips sync nalang tayo," suhestiyon ni Bright.
"Sige, tapos chorus nalang tayo sumabay," ani Cullen.
Nagkasundo kami sa pagsayaw, ilang oras ng pagpapractice ay pinractice na rin namin isayaw iyon habang naka-heels, hindi mapigilan ng mga agents na naroon na matawa na rin sa amin dahil hirap kaming magbalance.
"Ano kayang itsyura natin mamaya," napapaisip na sabi ko. Kaya napaisip rin sila at natawa na.
"Mag-shave tayo!" si Cullen.
"Sige," pagsang-ayon namin.
Mabuti nalang at walang kill joy sa amin, lahat nakikisabay sa kalokohan namin, kahit pa ngayon lang kaming nagkaroon magsama sama. Hindi ko naman kasi mga close ang mga ito, hindi ko rin sila ka-room mate, kaya buti nalang at nakikisabay.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...