Chapter 1

215 16 0
                                    

Register

*Bianca's POV*

Ilang araw ang nakalipas nang nakausap ko si Black Lion sa telepono upang ipaalam ang naging desisyon ko.

Nagising ako sa tawag sa akin ng kapatid kong si Kaye. "Ate, gising may naghihintay sayo sa labas, boyfriend mo po, " iyon pa ang mga salitang binitawan niya nang gisingin ako.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Hah? Anong boyfriend?"

"Nasa labas po ate, ang ganda ng kotse mukhang mayaman, " kumikislap ang mga mata ni Kaye nang sabihin iyon.

Agad akong tumayo saka dire-diretsyong lumabas ng bahay para makita kung sino ang taong tinutukoy ng kapatid ko.

Napanganga ako sa lalakeng nakasandal sa isang mamahaling sports car. Napatuwid siya ng tayo ng makita ako. Tinanggal niya ang Aviator Sunglasses niya saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

Kung kanina gwapo na siya ng suot ang Aviator Sunglasses niya, ngayon mas nakita ko kung gaano kaperpekto ang mukha niya. hindi lang mukha, maging ang hubog ng kanyang katawan.

Bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot na Denim Jacket na sa loob nito ay simpleng black t-shirt, sa kanyang pambaba ay light blue jeans, at Gucci Ace Watersnake-Trimmed Leather Sneakers naman sa kanyang sapatos. Yaman...nga.

Humakbang siya papalapit sa akin at inangat ng index finger niya ang baba ko saka ako tinitigan sa mukha.

"Hey...Love, are you so excited to see me that you forgot to wear slippers and remove your gounds in eyes," ngumisi siya sa akin na para bang nanloloko.

Dinapuan ako ng hiya sa sinabi niya. Oo nga at nakalimutan ko ng magsuot ng tsinelas at maghilamos bago lumabas para makita ang taong ito na hindi ko naman kilala. Umatras ako saka tinakpan ang bibig ko ng isang kamay ko.

"Who are you?" Tanong ko sa wikang ingles, dahil mukhang may lahi pa ata ito.

Hindi niya ako sinagot, imbes ay tumingin siya sa kanyang relo saka binalik sa akin ang tingin.

"I'll give you 50 minutes to prepare yourself. Please make it faster, I don't like waiting," masungit na sabi niya.

"Why? Where are we going?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinapunta ako ni Black Lion dito sa inyo para sunduin ka." Nagtatagalog naman pala ang loko.

" Are you ready? If not..., you have no choice but to be ready," napatango nalang ako.

Nasabi na sa akin ni Black Lion na may ipadadala siyang tao para samahan akong magregister sa EsMia, pero hindi ko akalaing ngayon iyon. But he's right I have no choice but to be ready.

Pinapasok ko siya sa bahay namin saka ako dali daling naligo at gumayak. I wear skinny jeans, white t-shirt na may konting tatak, at simpleng white shoes lang na nabili ko sa tiangge. Hindi naman sa ginagaya ko yung lalake kanina pero... I also wear denim Jacket, malamig din kase ang panahon ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto ko ng matapos ayusan ang sarili. Nadatnan ko ang lalake na kakwentuhan ang mga kapatid at lola ko.

"Hijo, siguraduhin mo lang na marangal na trabaho ang papasukan n'yo ng apo ko," narinig kong sabi pa ng lola ko.

"Opo, lola Mila, makakaasa po kayo sa akin," ng matapos niyang sabihin iyon ay tumingin na siya sa akin saka kumindat.

Tinginan ng mga tsismoso't tsismosang mga kapit-bahay ang nakaabang sa amin ng makalabas kami sa bahay hanggang sa makasakay ako sa Sports car ng mokong na ito, hindi ko pa alam ang pangalan. Ang sabi sa akin ni Black Lion, masyadong pribado kapag tinatanong ang pangalan kaya hindi na ako nag-abalang magtanong ng pangalan nito.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now