Chapter 43

27 2 0
                                    


*Sun Mango's POV*

Nagpadala na ng mga ninja sa lugar na kinaroroonan ng mga manlalaro. Pinadala sila para subukin ang lakas at kakayanan ng mga top 18. Bilang Secret Agents, ang lakas nila ay hindi lamang dapat sa umaga o kapag gising sila. Kinakailangan pa rin nilang maging gising at alerto dahil maaaring may mga kalaban na dumating habang natutulog sila. At iyon ang sinisigurado namin na dapat alam at katangian na mayroon sila.

Sa huling pagsubok nito, ay dito inaalam ang mga kakayahan nila o natutunan nila, kaya patuloy namin silang sinusubok habang nasa kagubatan sila.

Ang pananatili sa gubat ay hindi madali, pero kinakailangan nila iyon para mas makita nila ang kakayahan nila bilang nag-ensayo para maging ganap na secret agent. Naniniwala kaming kakayanin nila malagpasan ang mga hamon na naghihintay sa kanila sa kagubatan, ngunit gusto namin makita nila ang tunay na kakayanan na mayroon sila.

Pagod at antok man ay hindi sila nagpadala sa mga ninja na kaharap nila. Lumaban sila at ipinakita na kaya nilang patumbahin ang mga ito. Patuloy silang sumusubok, determinasyon at kalakasan ang nakita ko sa kanila ngayon madaling araw.

Hindi nila ininda ang pagod, kinaya nilang mabawi ang mga bag na nakuha sa kanila, kahit inumaga pa. Umalis din ang mga ninja nang muling mabawi ng manlalaro ang mga bag nila.

Gustuhin man nilang matulog dahil wala pang mga maaayos na tulog ay bigla naman umulan ng malakas. Kita ko sa mga mukha nila ang pagod.

"Lumalabo ang mga camera dahil sa ulan." Ani Venus.

"We can't do anything about that. We need to stay here and wait until the rain stop." XS said.

"Yeah, I bet si V na talaga ang mangunguna sa hamon na ito. Nakumpleto niya ang mga puzzles niya." Opinyon pa ni Venus.

"Let's see."

"Are you proud to your son, Head Master Black Lion?" I asked.

Ngumisi ito sa amin, "noon pa man."

Napagdesisyunan namin na pumunta muna kami sa kanya kanya naming mga kwarto at magsitulog dahil kanina pa rin kami mga gising.

*Eula's POV*

Nilalamig na ako dahil sa ulan. Sa puno lang ako sumisilong niyayakap ko na ang sarili sa sobrang ginaw. Nakasilong man ay nababasa pa rin ako. Ramdam kong sinisipon na rin ako at nagsisimulang ubuhin.

"Lalagnatin pa ata ako."

"Not now, please... I need to fight... I need to find my puzzles."

Kakatapos lang sa pakikipaglaban sa mga ninja ay bigla naman umulan. Wala pa akong tulog at sobrang pagod pa. Sa ngayon ay hindi ko alam kung paano ako dahil sadyang sobrang lamig na, mahihirapan akong makatulog nito ng maayos.

Pinilit kong tumayo at humanap ng lugar na mas komportableng masisilungan. Nang may makita akong matandang puno ay inakyat ko iyon para roon ako mahiga. Hindi basa ang silong na mayroon doon. Hinubad ko ang uniform ko at pinalitan iyon ng tuyo at bago.

Itinulog ko ang bigat na pakiramdam na nararamdaman ko. Pinili ko munang magpahinga hanggang sa mabawi ko ang sariling lakas ko. Sana lang ay wala munang ninja na dumating at sumugod muli, dahil sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin kung haharapin pa sila.

Nagigising gising ako, ngunit hindi ko mapilit ang sarili na bumangon. Nilalagnat na ako at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ginaw na ginaw na rin ako. Nararamdaman ko na rin kumukulo ang tiyan ko, pero wala akong magagawa dahil wala akong pagkain sa bag.

Dahil sa sobrang pagkahinang nararamdaman ko ay hindi na ako nakabangon pa sa pagkahiga. Nang sa tingin ko ay maghapon na dahil medyo dumidilim na ang paligid nang tignan ko ito, ay mas lalo kong nararamdaman ang paghihina. Nagpatuloy ako sa paghiga at pagpikit ng mga mata ko, nagising ako nang may humipo sa noo ko, ngunit hindi ko maimulat ang mga talukap ng mata ko, sa sobrang bigat nito. Kaya naman hindi ko makilala ang taong nasa paligid ko ngayon, niyakap ko lalo ang bag ko dahil baka ninja ang nasa paligid.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now