Top 18
*V's POV*
My performance are all perfect, my practical exams in laboratory and wriiten exams test result are all perfect too. Well, wala pa naman talagang resulta, but I know to myself that all things that I've done are all perfect. I claim it, mabibigyan na ako ng diploma.
"Times up" our proctor said. Pagkasabi niya ay ipinasa na namin ang mga answer sheet namin, tatlo kaming nag Doctor. 30 minutes palang ay tapos ko nang sagutan ang lahat ng identification and some difficult questions. Hmm... Although I don't think that that questions are difficult. 1 hour and 30 minutes ang ibinigay sa amin. Kinakailangan pang tapusin ang oras bago kami payagan makaalis. Kahapon naman naganap ang practical exam namin na kung saan ginanap sa laboratory.
Pagkatapos ng exam ay pumunta ako kaagad sa Dining Hall dahil ginugutom na talaga ako. Konti lang ang mga taong kumakain doon. Napabuntong hininga ako, ang bilis ng panahon...dati lang gwapo ako, ngayon mas gwapo na. Tsk tsk tsk tsk. Napangiti nalang ako sa sariling kalokohan sa isip, saka na ako umupo sa bakanteng lamesa at upuan, nang makuha na ang pagkain.
Sometimes hindi ko maintindihan ang sarili ko, mula sa mga sariling desisyon, at sa mga desisyon na biglaan nalang maiisip at gagawin. There's something in someone that I don't understand... Ngunit sa ngayon, ayoko munang madaliin ang mga bagay-bagay.
Naiisip kong sigurado na akong mapapasama sa top 18. At sa oras na mangyare na iyon, hihintayin nalang ang iba na tapusin ang ibinigay na task sa kanila hanggang sa magback to zero na ang mga points namin, at maglalaban laban muli kami sa mga place at class na kung saan nararapat ang bawat isa. Siguradong excited na ang iba.
*Cherry's POV*
"Very good, Cherry! You improved!" Masayang bati sa akin ni Annika. Sa mga nakalipas na buwan ngayon lang niya ako nginitian at binati sa nagawa ko.
Masasabi kong sobrang hirap ng mga hamon na ibinigay sa akin dito, lalo na si Annika mismo ang trainer. Naaalala ko pa noong unang sabak ko sa mga hamon na ibinibigay niya ay ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko, dahil sa kaba, takot, pagod at hirap ng mga pinapagawa niya.
"Balik sa una kung wala na sa guhit ang tubig na nasa timba!!" Pagalit at istriktong sigaw niya. Ilang linggo ko rin naririnig iyon, halos mangalay ang dalawang kamay at braso ko sa paulit ulit at pabalik-balik na pagiigib mula sa mababang pinagsimulan namin paakyat sa mataas pa na bundok na inaakyat namin.
"Pagod ka na ba!? Kung pagod ka, umalis ka na! You are wasting my time!" Ilang luha ang iniyak ko at kagat ng labi ko upang mapigilan ang pag iyak ng sobra at sumagot kapag sobrang nasasaktan na ako sa mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin.
"Now, I'm not wondering kung bakit hindi ka makapasapasa sa EsMia. Alam mo ba kung bakit, Cherry?" Nang tanungin niya ako ay halos manlisik ang mata ko sa kanya. Pero kailangan ko magpigil dahil alam kong para sa akin 'to.
"I think you know the answer, Cherry. Mahina ka." Sinabi niya 'yon na parang sigurado siya. "Tama ba ako?"
Nang hindi ako sumagot ay mas nilakasan niya ang sigaw.
"TAMA BA AKO!?"
"Oo! Tama ka!" Naiiyak at sigaw na sabi ko. "Tama ka na mahina ako, pero hindi sa lahat ng bagay!"
"Really?" She smirked.
"Maybe you can hurt me through your words, but you can't stop me for doing the best I can do para lang makapasa sa mga hamon na ibinibigay mo." I know, I can do it. I trust myself. Ang tagal ko nang lumalaban, ngayon pa ba ako susuko? No.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...