Secrets
*Bianca's POV*
"Niluto ninyo lahat ng ito?" tanong ko sa kanila, nagbihis na rin kami ni V nang Onesie footed pajamas, nakakatuwa kami tuloy tignan. Nagpicture pa muna kami gamit ang dala ni Ryder na Polaroid camera bago kami kumain.
"Oo, maliban kay V," ani Ivan.
"Hoy, ang hirap kayang mag-entertain, aya nang aya na si Ibyang na matulog at umuwi sa mga dorm namin," depensa pa ni V na ikinatawa ng lahat.
"Maybe... Good thing na rin na si Bianca ang pinili kong makalaban, hindi na mamomroble si Dazz kay V," si Barbie.
"Sayang, Cherry, kung sakaling nagpahuli na rin ako sana na-save pa kita," malungkot na ani Dahlia.
"Okay lang 'yon, may next year pa naman. Magpapractice pa ako ng mabuti at mas paghahandaan ko na talaga ang next year!" determinado na sabi ni Cherry.
"Yup, gusto kong makatrabaho kayong lahat," ani Ivan.
"Kanino pala galing ang regalo?" tukoy ni Dahlia sa hawak kong box na nakabalot, binigay ito ni Ivan, may nagpapabigay raw.
"Hindi ko alam, e," aniko.
"May card, oh, " ani Cherry, saka kinuha ang maliit na card at may nakasulat.
"Happy 18th Birthday, Bianca. See you soon, future Secret Agent.
-Hot Rookie" basa niya rito.
"Hot Rookie?" sabay sabay namin na sabi nila Dahlia, Cherry at Barbie.
Napatingin ako kay Barbie nang bumaling siya kay Ivan.
"Sino Dazzler?" tanong ni Dahlia.
"Commander of Agents from New York," sagot niya.
"Bakit ako bibigyan ng regalo?" tanong ko.
"Actually, hindi nga lang iyan ang pinadala niya, pati ang mga lobo, at isang cake diyan, pinadala niya para sa'yo. Grabe, Bianca 'yong haba ng hair mo umaabot hanggang New York." Si Cherry.
"Soon, you will know him, Ibyang, " ani V.
"Kilala mo rin?" tanong ko sa kaniya.
"hmm, yup."
"Wait, bakit buti pinayagan kayo makaluto at makapunta sa kwarto na 'to?" tanong ko saka nila nginuso at tinuro si V.
"Spoiled 'yan ng BlackPink." nakangising ani Ivan.
"BlackPink?!" sabay sabay namin tanong ng mga nagtataka roon.
"Black Lion and Pink Rabbit," sagot ni Dahlia. Saka kami natawa.
"Bakit? Buti? Kamag-anak mo ba sila?" tanong ni Cherry kay V.
"Bakit sa akin napunta ang topic?" tanong ni V, na para bang tinatamad sagutin ang mga tanong sa kaniya.
"Ako, alam ko," nakataas pa ang isang kamay na ani Ryder.
"Uyy, may bata pala tayong kasama," si V.
"Oo, akala ko nga nakalimutan ninyo na ako, e" ani Ryder kaya natawa kami.
"Bakit spoiled ng BlackPink si V, Ryder?" tanong ni Dahlia.
"Kasi--" naputol ang sasabihin ni V nang siya na ang sumagot ng mga tanong.
"Black Lion is my father, and Pink Rabbit is my step mother."
"What!!?" gulat na sabi namin nila Cherry at Dahlia.
"Seryoso?!" tanong ni Dahlia.
"Totoo??" si Cherry.
"Talaga ba?" tanong ko pa.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
AksiDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...