Deep Talk
*Ivan's POV*
"What the heck is that Dazz!?" Galit na sigaw sa akin ni Vince. Nandito kami sa kwarto namin ngayon, dahil room mate ko siya, kami nalang din naman kasing dalawa rito.
Pagkatapos nang nangyare kanina ay inaya niya akong kausapin.
"I am sorry, Vince, wala akong naisip na idahilan kay Barbie, kung bakit nakikipaglapit ako kay Bianca, she was jelous to her, and I can't let Barbie mad at me, I am so sorry, " I sincerely said.
"Wrong move, Dazz, wrong move! Now, paano natin kakausapin si Ibyang, mukhang galit pa," he said.
"I know, hindi ko rin alam. Hindi pa kami nagkakalapit, and hindi ko alam kung paano ako aamin sa kaniya. You know that this is not yhe right time, thank you... hindi mo ako nilaglag kanina."
"Yeah, ako naman ang nilaglag mo," hindi ko mapigilan matawa sa sinabi niya.
"I'm sorry,"
"I know"
*V's POV*
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, patay ang ilaw ngunit mulat ang aking mga mata. Hindi ko maiwasan hindi sumagi sa isipan ko kung ano ba ang iniisip ngayon ni Ibyang. Sinabi niyang wala akong gusto sa kaniya, tama naman, wala naman talaga. Naiinis lang ako dahil sinabi pa iyon ni Barbie sa harap ni Ibyang.
Bakit ko ba pinoproblema iyon? Dapat ay natutulog na ako. Ngunit dumaan ang ilang oras na hindi pa rin ako nakakatulog, kaya nagsimula akong bumangon, sinuot ang hoodie ko at naglakad lakad muna sa labas, laking gulat ko nang makita si Ibyang sa labas, nakatanaw sa buwan at nakaupo sa garden chair, napansin niyang may nakatingin sa kaniya kaya napalingon siya sa gawi ko. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata nang makita ako.
"Why are you still awake? Anong oras na at nasa labas ka pa." Hindi ko na mapigilan mauna sa pagsasalita.
"Ikaw... Bakit gising pa?" balik na tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi ng upuan na inuupuan niya.
I crossed my legs, saka ko ipinatong ang dalawang siko ko sa likod ng garden chair. Tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituwin.
"Hindi ako makatulog..." natawa kaming pareho at nagkatinginan nang magsabay na magsalita.
"Uhmm... I wanted to say sorry... About sa sinabi ni Barbie kanina, please don't get mad to them, I mean to us... It's true na sinabi ni Dazz kay Barbie na nilalakad niya ako sa iyo, kaya siya nakikipaglapit sa iyo para sa akin, nagseselos si Barbie sa iyo dahil gusto ni Dazz makipaglapit sa iyo. You're a good person, so he wants to be a your friend. Pero mahalaga sa kaniya si Barbie, kaya ang naisip niyang idahilan ay may gusto ako sa iyo at nilalakad niya lang ako sa iyo. I am sorry.." mahabang paumanhin ko.
"I don't get it, if Ivan wants me to be his friend bakit ikaw pa ang idadahilan niya?" Napalunok ako sa tanong niya.
"Of course, dahil nga baka iba ang isipin ni Barbie... " paliwanag ko.
Tumango lang siya saka binalik ang tingin sa mga bituwin, hindi ko napigilan ang sarili na pagmasdan siya, she has a long and beautiful eye lashes na nagpapaganda sa bilugan niyang mga mata, hindi ko rin mapigilan mapangiti nang mapagmasdan ang heart-shaped lips niya. Dinig ko ang pag tibok ng puso ko, habang nakatitig sa kaniya. Natigil lang ako sa pagtitig sa kaniya nang muli siyang magsalita.
"Ang galing mo kanina, naalala ko noon sa Technology room noong may pinapa-unlock sa atin na websites, zero ang point mo roon. Pero kanina ay ang dali mo lang nabuksan ang mahirap para sa amin." ani niya.
Huminga ako ng malalim at binaling ang tingin sa bituwin na kanina pa niya tinititigan.
"It's easy to unlock when you're a hacker. Kapag alam mo na ang pasikot sikot sa technology, mahirap ang codes na nilagay nila, pero pwede mo iyon masira at mapalitan, para ma-unlock," paliwanag ko.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
AzioneDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...