Birthday
*V's POV*
"Bata, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba naglalaro ka sa com lab?" tanong ko kay Ryder nang makita ito sa Receiving room.
Kasama ko ngayon si Dazz, para kunin ang padala ni Kuya Benedict.
"May pinadala sa akin si ate," ani Ryder.
"Ano?"
"Polaroid camera, " sagot niya.
"Really? Pakita," kinuha ko ang box na hawak niya saka binuksan. "Wow, she made this? Ikaw lang pinadalhan?"
"Yep, akin na 'yan, walang sa 'yo, hindi ka kasi paborito."
"Kay Bianca lang lahat ng pinadala?" si Dazz, habang binabasa ang isang card na sulat para sa kaniya, para paalalahanan na ibigay kay Bianca ang regalo.
"Wala rin sa iyo?" tanong ko.
"Wala," aniya.
Narinig namin ang tawa ni Ryder kaya masama namin siyang tinignan.
"Anong pinadala?" tanong ko kay Dazz.
"Cake 'yung isa, 'yung iba mga lobo na kailangan palobohin pa, tapos yung isa huwag daw buksan, nakabalot na, ibigay lang daw kay Bianca," paliwanag ni Dazz.
"Bianca? Bakit bibigyan ni Kuya Benedict ng regalo si Bianca?" tanong ni Ryder, oo nga pala at walang alam ang isang ito.
"Huwag kang maingay, huwag mong pagsasabi na si Benedict nagpadala ng mga ito, ah" ani Dazz kay Ryder.
"Hmmm, sabihin ninyo muna sa akin kung bakit."
"Vince requested this to my brother, may gusto kasi si Vince kay Bianca." napaubo ako na ako na naman ang dinahilan ni Dazz. Lokong ito.
"Bakit, may cake at lobo?" takang tanong ni Ryder.
"Birthday ni Bianca bukas," sagot ni Dazz.
"Talaga!?" kita ang excitement sa mga mata ni Ryder habang sinabi iyon.
"Oo, at hindi ka invited," prangkang sagot ko sa kaniya.
Nilagay namin ang mga nakuha naming padala sa kwarto ni Lili, wala na akong nagawa nang pilitin ni Ryder ang sarili na sumama sa surprise na hinahanda namin, ang sabi niya ay tutulong naman siya kaya pumayag na kami nik Dazz. Nagpaalam din si Dazz na kung pwede ay ayain niya si Barbie para makasama sa pag-aayos ng kwarto. Dahil baka magtaka na raw ito kung bakit ang busy siya ngayon araw.
"Hindi pa ba kayo ni ate Barbie, kuya Dazz?" tanong ni Ryder sa kalagitnaan ng pamamahinga namin dito sa couch sa kwarto ni Lili.
"Hindi pa, hindi muna, hindi pa pwede," sagot sa kaniya nito.
"Bakit? Hindi mo ba siya gusto?" tanong pa ni Ryder.
"Hindi naman sa gano'n, gusto ko kasi kapag niligawan ko siya o ayain maging girlfriend ay sariling pera ko ang ginagamit ko kapag mag-de-date kami," palwanag niya.
"Sweet," komento ko.
Hindi namin namalayan ang mga sarili namin na nakatulog sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, siguro ay dahil sa pagod sa mga naganap na laban at sakit ng katawan ay antok ang nadarama namin.
Nagising kami sa sunod sunod na doorbell, nakita kong tumayo si Ryder para buksan kung sino iyon. Si Dahlia! Napatingin kami ni Dazz sa orasan at alas otso na ng gabi! Agad kaming napatayo at inayos ang mga sarili.
"Why?" narinig kong tanong ni Ryder.
"Bakit hindi pa kayo bumababa?! Dazzler, yung girlfriend mo kulang nalang sabunutan ako dahil sa sobrang sama na ng tingin sa akin! Kanina ka pa hinahanap sa akin, ang sagot ko naman ay hindi ko alam!" galit na na sabi niya sa amin.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
AksiDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...