Chapter 22

70 9 5
                                    

Ex

*Black Lion's POV*

Walang magulang na kayang tiisin ang anak. Nang isilang si Vincent sa mundong ito, mas nagpursigi akong magtrabaho para mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

Inaamin kong naging makasarili ako noong mas pinipili kong pumunta at gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Hindi ko inisip na may masasaktan kung sakaling hindi ako uuwi at magpapakalunod sa trabaho. Hindi ko naisip na may anak na naghihintay ng isang ama gabi gabi.

Nag mawala ang mommy ni Vincent, doon na-realize kung gaano kalayo ang loob sa akin ng anak ko. Gusto kong magalit sa sarili dahil bawat araw na lumalaki siya, mommy niya ang hinahanap niya lagi.

Wala akong lakas ng loob para sawayin siya tuwing nagrerebelde siya, tuwing ginagawa niyang laro ang pag aaral o training. Pero hindi ko magawa, sa tuwing makikita ko na ang malungkot niyang mga mata, lumalambot ang puso ko, at ang nasa isip ko lamang ay kasalanan ko kung bakit siya ganoon, dahil may pagkukulang ako.

Gusto gusto ko kapag lumalapit siya at hihingi ng tulong sa akin, hindi ko siya matanggihan, dahil gusto ko ibigay lahat sapagkat pakiramdam ko sobrang daming kulang, sobramg kulang ako bilang ama niya.

Hindi totoong wala rin akong pakealam sa kaniya, magsisinungaling rin ako kung sasabihin kong hindi ko namimiss ang anak ako, hindi lumipas ang isang araw na hindi ko hinihiling sa Diyos na sana mayakap ako ng aking anak. Na sana maisip niyang nandito pa rin akong ama niya na gagabay sa kaniya, at sasaluhan siya sa sakit na nararamdaman niya.

"Please, stay with him, Bianca. Kahit ngayong gabi lang, " pakiusap ko kay Bianca. "I remember noong nilalagnat siya, nanaginip siya, umiiyak at hinahanap ang mommy niya, tinatanong kung bakit siya hinayaang iwan sa akin. Wala akong magawa, kundi ang umiyak dahil nakikita kong umiiyak ang anak ko kahit pa panaginip iyon. Gusto kong saluhin ang sakit na ibabato at ipaparamdam sa kaniya ng mundo, dahil ako ang tatay niya...kung ang ibang tao, ay hindi sumuko sa kaniya, dapat ako rin, na tatay niya." Hindi ko na mapigilan na magpakita ng kahinaan sa harap ni Bianca.

"Uuwi siya, babalik sa'yo. Babalik sa tunay na tahanan niya, dahil ang tahanan niya ay ikaw." Nakangiti at lumuluha na sabi sa akin ni Bianca. Hindi ko na napigilan yakapin siya sa pasasalamat.

Ang Diyos ay may plano sa buhay natin, kung bakit tayo naririto, kung bakit tayo nasasaktan, at kung bakit niya tayo dinadala sa landas na mahirap para sa atin. Sapagkat alam niyang doon tayo matututo, doon natin mahahanap ang sarili natin, at doon natin makikita kung gaano siya kabuti sa atin.

Kung dilim ang nakikita mo, pumikit ka, dahil sa iyong pagpikit makikita mo ang liwanag. Ang pagpikit ay hindi ibig sabihin ng pagsuko, ito ay ibig sabihin na humihiling ka sa Diyos ng liwanag. Ang liwanag na magbibigay sa'yo ng pag asa.

Kung hindi mo maunawaan, ihiling mo sa Diyos na ipaunawa sa iyo ang bagay na hindi mo maintindihan.

Hindi sagot ang pagsuko sa mga bagay na hindi mo na kaya o nasasaktan ka.

*V's POV*

"Mom, why do I need to always be on top?" I asked my mom.

"When I was at your age, I'm always a number one in everything I do. Not until... Your dad's come into my life, I can't be a number 1 to his heart, I'm also not a number 2, because for him, I am nothing but a friend...." hinimas niya ang buhok ko, nakangiti ang labi niya ngunit kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"I don't want you to be an option, I don't want you to feel the pain that I felt back then. I only wanted for you is the best life. That's why I want you to be a number one in all things you'll do, even not in a person's heart," she said.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now