Chapter 37

33 5 2
                                    

Gun

*Bianca's POV*

"Hi, Bianca."

"She's so cool, men. I told you!"

"Look at her. She's so gorgeous!"

"That's Bianca, right?"

"Bro, stop talking. Bianca is coming."

Sobrang awkward ng nararamdaman ko sa paligid. They are keep talking about me. Maraming mga nagpapapansin at tumitingin sa gawi ko nang makitang papadaan ako sa harap nila. Naririnig ko ang mga bulong bulungan ng mga tao tungkol sa paghanga nila sa kung anong ginawa ko kahapon.

Hindi ko rin naman sila masisisi dahil maski ako ay nagulat sa kakayahan kong magawa ang bagay na iyon. Matagal na nang mapag-aralan ko at ginawa ang bagay na ganon. Pilit ko iyong itinatago sa sarili dahil bilin sa akin na hindi ko dapat iyon pinapakita sa maraming tao. Dahil ang bagay na ganon ay hindi normal para sa kanila at maaaring ikapahamak ko. Sa tingin ko naman ay hindi ko ikapapahamak nang ipakita at ipamalas ko ang kakayahan na magawa iyon. Lalo na at ang mga taong nakakapanood ay hindi naman gaanong kagulat gulat....ang bagay na ganoon...sa kanila...siguro?

Napabuntong hininga ako nang maisip iyon, umiling at hindi na muli iyon inisip. Itinuon ko ang isip sa bus na pupuntahan namin ng mga kasama ko para masakyan namin papunta sa Tokyo, Japan.

"Ang daming papansin na feeling gwapo kay Bianca. Mga mukha naman pinitpit ang mukha." Medyo masama ang tingin ni Ursulo sa mga lalaking nagpapapansin.

"Hoy, Ursulo kung makatingin ka riyan ng masama sa kanila parang girlfriend mo si Bianca ah." Natatawang ani Vanessa.

Napataas naman siya ng kamay at umiiling nang tignan siya ng masama ng iilan sa mga lalaking kasama namin.

"Hoyyyy, hindi ako katulad ninyong may gusto kay Bianca ah. Kasi naman, pamilya tayo rito, pero bakit parang may agawan na nangyayari?" Malokong sabi pa ni Ursulo.

"Daldal n'yo. Sumakay na tayo." Sabi ko at iniwan na sila roon para makapasok sa Bus na sasakyan namin.

Kami ang nanalo kahapon sa napagkasunduan. Kaya masaya kami at excited na makalibot. Normal na mga kasuotan lang ang suot namin, upang hindi kami agaw pansin sa mga tao.

May mga pinasuot na relo sa amin na kumukonekta sa mga kasama ko at sa mga Commander. Gamit ito na-te-trace nila kung nasaan kami. Maaari rin naman namin silang makausap gamit ang suot naming invisible earpiece.

May mga ibinigay rin sa aming pera para sa mga gusto naming bilhin sa Tokyo.

"Matatanda na kayo. Hindi na namin kayo kailangan pang bantayan. Ingatan ninyo ang mga sarili ninyo. At tignan ninyo ang oras. Before 8 pm ay dapat nasa Bus na kayo at nakabalik. Enjoy this day, but know your limits. Huwag kayong mag-aaway away at huwag puro katarantaduhan ang maisipan ninyong gawin." Napabungisngis kami nang lumingon at tingin ni Agent Speed Heart kila Douglas at Ursulo.

"Walang ganon, Agent Speed. Lahat kami dito ay matitino at walang nagloloko." Sagot pa ni Ursulo.

Umiling lamang sa kanya ang mga agents. "Sige na, aalis na kami para makaalis kayo. Again, Esmians. Congratulations!"

Umalis na ang mga agents pagkatapos ng ilang mga paalala nila sa amin at nagsiupuan naman kami sa mga gusto namin upuan.

Sa pagsakay sa Bus, katabi ko si Dahlia. Katabi ko lang siya the whole time na nakasakay kami sa Bus at napapansin ko ang simpleng pag-ngiti-ngiti niya habang nakatanaw sa window ng bus, upang masilayan ang magandang tanawin sa labas.

"Dito ka lumaki, Dahlia noh?" Lumingon siya nang magsalita ako.

"Yes," tanging sabi niya saka muling lumingon sa labas.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now