Chapter 8

87 14 0
                                    

Celebrate

*Bianca's POV*

"Tandaan ninyo, mahalaga ang puntos ng bawat challenges na binibigay namin, ang unang challenges para sa araw na ito, ay ang paggamit ng arnis, hangga't maaari iwasan ninyong matamaan kayo nang makakalaban n'yo," ani Black Lion sa amin.

Narito kami sa isang parte ng EsMia na kung saan ay medyo tago, mayroong 20 na hugis bilog sa gitna kung saan magaganap ang laban namin. Nakatakip ito ng puting tela ng mahaba, sapat upang matakman mula itaas hanggang baba.

"Sino po ba ang makakalaban namin?" tanong ng isa sa amin.

Binigyan kami ng mga ngiti ng trainer at head saka napatingin kami sa mga bagay na umiikot na ngayon nang maalis ang telang nakatabing.

Mayroong tatlong robot na nakatayo sa bawat bilog na umiikot, may mga hawak rin itong arnis.

"Ang mga robot na nakatayo diyan ay ang mga makakalaban ng bawat isa sa inyo. Kinakailangan ninyong tamaan ang parteng may mga ekis na pula sa kanilang mga katawan, at iwasan naman ang mga itim." si Sun Mango

"Ang pula ay sisimbolo sa karagdagan ng mga puntos ninyo. At kapag itim naman ang natamaan ninyo ay ibig sabihin mababawasan ang puntos na nasa inyo," ani Venus Grapes.

"Ngunit hindi lamang ang mga robot ang magkakaroon ng ekis sa kanilang mga katawan, ang mga agents ay didikitan din kayo ng limang itim at limang pula na ekis sa inyong katawan, " si Pink Rabbit naman.

"Ibig sabihin kapag natamaan nila kayo sa parteng may itim na ekis, ay maaaring mabawasan ang puntos niyo, at kapag pula ang natamaan nila ay sa inyo ang puntos," dugtong naman ni Black Lion.

"Para sa mga matatapos sa unang hamon ay isusunod ang pangalawang hamon, ito ay ang paghiwa o kinakailangan pumutok ang mga lobong nakapa-ibabaw sa mga lumilipad na robot na ibon." patuloy pa ni Black Lion

"Ang pangatlo ay ang pagbaril sa mga mansanas na may 10 meters na layo mula sa inyo at pinapalipad din ng mga robot na ibon." si Pink Rabbit.

"Mayroon lamang kayong 10 minutes, para matapos ang unang hamon, 5 minutes para sa pangalawa at 5 minutes din para sa pangatlo. Malalaman ninyong kailangan ninyo nang huminto sa mga relong isusuot sa inyo, tutunog ito upang paalalahanan kayo," dagdag pa nito.

Nagsimula na kaming magsihanda para sa mga hamon na haharapan naamin. Nilagyan muna ang mga mata namin ng blind fold para hindi namin mapanuod ang gagawin ng ibang mauuna.

Hindi nagtagal ay ramdam kong nagsimula na ang iba. Hindi maalis sa akin ang kaba, dahil hindi ko alam kung makakakuha ba ako ng puntos o mababawasan pa ang puntos na nasa akin. 25 points na ang mayroon ako, 25 points din ang kailangan kong makuha ngayon para hindi makasama sa bilang na maeevict.

Nangawit na ako sa pagtayo pero hindi pa rin tumutunog ang relong nakasuot sa akin. Rinig ko ang mga tunog ng arnis kapag ipinapalo, at ang pagdaing ng iba sa amin na naunang lumaban.

Nang tumunog ang relo ko agad kong tinanggal ang blind fold ko, saka minulat ang mata ko, nang maiayos na ang paningin ko, tumakbo ako kaagad paakyat sa isang bilog at kinuha ang arnis na nakahanda para sa akin.

Nasa ayos ang mga robot na nakaharap ko, napahanga ako sa bilis nang paghanda nila. Tatlong robot ang nasa harap ko ngayon at pare parehong may hawak na mga arnis.

Nanguna ang isang robot sa pag-atake at mabilis ko naman itong iniwasan. Mabagal na umiikot ang bilog na inaapakan ko ngayon, kaya medyo nahihilo ako nang dahil dito.

Mabilis na sinangga ng robot ng kanyang arnis ang badyang pagpalo ko sa kanyang pula na ekis na nasa katawan. Gano'n nalang ang mangha ko sa robot nang mabilis itong gumalaw.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now