Prologue

372 18 2
                                    


*Bianca's POV*

"Miss, ibigay mo na kung ayaw mong masaktan pa."

"Hindi pare, bakit pa natin siya papipiliin kung pwede naman nating gawin ang gusto natin sakanya." Paliko na sana ako ng dinaraanan ko ng marinig ko ang mga lalakeng nagtatawanan, mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang mga anino ng tatlong lalakeng malalaki ang katawan at isang babaeng walang kalaban laban na binabalakan nila ng masama. 

Mag-a-alas siete na ng gabi, madilim at tanging ilaw ng mga poste at buwan ang nagsisilbing liwanag sa daan. Wala ng taong dumaraan dito kaya hindi pansin ang mga masasamang tao na may masasamang balak sa mga taong daraan dito. Hindi na ito bago sa akin. Kaya kong protektahan ang sarili ko, pero hindi ako sigurado kung kaya ng iba na protektahan ang kanilang mga sarili.

"Kuya, ibibigay ko na ang pera at cellphone ko, huwag n'yo lang po akong saktan, maawa po kayo sa akin," naiiyak na sabi ng babae.

Huminga ako ng malalim at nagpakita sa kanila.

"Sali n'yo naman ako sa pinag-uusapan ninyo," ngumiti ako sa kanila at nilagay ko ang isang kamay ko sa aking bulsa habang ang isa ay hawak ang lollipop na kanina pa nasa aking bibig.

"Pare, mukhang sinuswerte tayo ngayon ah," nakangiting sabi ng isang lalake, binitawan niya ang kamay ng babae at nagsimulang lumapit sa akin.

"Hindi pare, sainyo na ito, akin iyan, alam ninyo namang mahilig ako sa mga mistisa at makikinis na babae," nakakadiri, iyon ang nasabi ko sa aking isipan habang pinapakinggan ang mga pinagsasabi nila.

"Tama na yan, simulan na natin," hindi na akong nag-abalang tanggalin ang bag ko sa aking likod, tinanggal ko naman ang kanang kamay ko mula sa aking bulsa at sinimulan suntukin ang mukha ng lalakeng malapit sa akin, gamit ang kanang kamay. Hawak ko ang lollipop sa aking kaliwang kamay habang ginawa iyon.

Nang makitang papalapit ang isang lalake ay mabilis kong sinipa ito sa tiyan, dahilan para mapaupo ito. Nang aatake ang sinuntok ko kanina, agad kong iniwas ang katawan ko upang hindi tamaan. Sunod-sunod ang sipa at suntok ko sa tatlong ito hanggang sa isa isang tumakbo ang mga ito nang paika-ika ng hindi na nila makayanan.

"Miss, maraming maraming salamat, hulog ka ng langit," mabilis akong umiwas ng nagbadya siyang yayakapin ako.

"Ah, okay lang, ang mabuti pa umuwi ka na at delikadong manatili ka pa dito."

Nahinto ang sasabihin niya ng may humintong sasakyan sa tapat namin.

Lumabas ang isang matipuno at may edad na lalake mula sa sasakyan.

"Mga hija, ayos lang ba kayo, nakita ko ang nangyare," tanong niya sa amin. Nakita na pala niya ang nangyare, nagtatanong pa siya.

"Mauuna na ako," pagpapaalam ko sa kanila.

"Ahh, sandali, miss," napatigil akong maglakad ng hinawakan ako ng babae sa aking braso. "Paano ba kita mapapasalamatan? Niligtas mo ang buhay ko kaya dapat lang na may kapalit o tulong na kailangan mo na kaya kong ibigay." 

Tinitigan ko siya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa sa kung ano ang pinaka-kailangan ko ngayon. "Trabaho, trabaho ang kailangan ko, may maibibigay ka ba?"

"Hmm," napayuko siya at agad ding nag-angat ng tingin papunta sa lalakeng nagtanong sa amin kanina.

"Sa tingin ko may maitutulong ako sa iyo, hija." Naagaw ng lalake ang atensyon ko sa kaniyang sinabi.

"17 years old palang po ako, mahahanapan n'yo ba ako?" diretsyo kong tanong, dahil ilang beses na akong hindi natanggap ng dahil lang sa edad ko na 17, isang taon lang naman ang kulang hindi pa ako tanggapin ng mga pinapasukan ko. 

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now