Chapter 27

72 9 2
                                    

Lola Mila

*Dahlia's POV*

Nagising ako nang wala si Bianca sa kama niya. Ang aga naman niyang nagising. Siguro ay nasa library ulit kaya hinayaan ko iyon. Hindi ako nag alala nang hindi kami magsabay kumain ngayon, dahil madalas ay hindi naman talaga kami nagkakasama o nagkikita dahil na rin sa may sari sarili kaming trainer at pinag aaralan sa Class D.

Nang maggabi na ay doon na ako nag alala dahil simula kanina hindi ko pa siya nakikita. Bumaba na ako ng dorm ko para tanungin si Dazzler kung sakaling nakita niya si Bianca.

"Hindi ko rin nakita si Vince ngayon, baka magkasama sila," sumama ang tingin ko at nagsalubong ang mga kilay.

"Simula kanina!?" pagalit na na tanong ko.

"Hey, stop shouting, baka sabihin nila inaaway na naman kita."

"Tinignan mo na ba sa kwarto na minsang pinagtutulugan niya?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa, hindi ko naman siya hinahanap, malaki na 'yon kung sakaling mawala," paliwanag pa niya.

"Eh, kung may nangyare nang masama kay Bianca, sinong sisisihin mo?" ang mokong na ito... kahit kailan.

"Kung si Vince ang kasama ni Bianca, wala dapat tayong ipag-alal," kampanteng sagot pa niya.

"Kung ikaw may tiwala kay V, ako wala!" pagsusungit ko.

"Hindi na ako magtataka, sa lahat naman wala kang tiwala," he smirked.

"Pwede ba, samahan mo nalang akong hanapin si Bianca."

Wala na siyang nagawa kundi samahan akong hanapin si Bianca pati na rin si V. Tinignan namin sa kwarto ni Lili pero wala sila roon. Tinanong na rin namin si Ryder kung nakita ba niya, pero hindi rin daw niya nakita pareho. Inikot at pinuntahan na namin ang bawat kwarto sa EsMia na maaaring puntahan ng dalawa pero hindi pa rin namin sila makita.

"I-report na kaya natin?" suhestiyon ko. "Baka ano nang masamang nangyare kay Bianca, e"

"Grabe ka kay V, ah!" sagot pa niya. "Baka nagtanan na iyong dalawa, hayaan na natin nagmamahalan sila," madramang sabi pa niya na kinaasar ko.

"Alam mo, wala kang tulong! Kapatid mo 'yon! Natutuwa ka pa kung sakaling gano'n nga ang nangyare," prangkang sabi ko sa kaniya. "Sabagay... Kapag kalokohan ng lalake magaling kayong sumuporta."

"Hoy, iba na 'yan, ah! Pwede ba, kumalma ka kasi. Hindi sila makakalabas ng EsMia kasi may mga bantay. "

"Eh, paano kung may milagrong... "

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil sa pagtawa niya.

"Iyon ba ang inaalala mo?" natatawa pa ring tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong nakakatawa?"

"Dazz... Dahlia, anong ginagawa ninyo rito sa labas? Gabi na." Pareho kaming nahinto sa asaran nang marinig namin ang boses ni V.

"Bianca!" napayakap kaagad ako kay Bianca nang makita ko siya. "Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

Humiwalay na ako ng yakap sa kaniya, saka hinintay ang sasabihin niya.

"Sorry, Dahlia. Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo," aniya.

"I told you, Dahlia nothing bad happens to them. You are just overreacting," Dazzler said.

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka na kami nagpaalam ni Bianca sa kanila para makapunta na kami sa mga dorm namin.

*Bianca's POV*

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now