Trust
*Bianca's POV*
"Saan ka pupunta?" tanong ni Dahlia nang makita akong papalabas ng dorm.
"Kay V, aabutan ko lang ng tubig at towel," ngumisi siya sa sinabi ko. "Hmm, nasa Class E na dapat siya kung hindi lang dahil sa akin," depensa ko sa sarili dahil ang titig niya ay para bang inaakusahan ako sa kung ano.
"Okay..." nangingiting sagot niya, umalis na ako at bumaba para makapunta sa Start Line, wala pa siya roon, siguro ay nagsimula nang tumakbo. Tumabi ako sa lilim sa may puno para hindi mainitan habang hinihintay siya.
After 30 minutes na pananatili ko ro'n ay nakita ko na si Weston, nakita niya ako, nginisian niya lang ako saka nagpatuloy sa pagtakbo. Sumunod ay si Brent, binagalan niya ang pagtakbo hanggang maglakad na siya papunta sa kinatatayuan ko.
"Sinong hinihintay mo? Ako ba?" tanong niya, ang feeling!
"Hindi, si V, " sagot ko na kinataas ng isang kilay niya.
"Do you like V?" he asked.
"Wala akong gusto sa kaniya."
Inobserbahan niya ang mukha ko. Humakbang pa siya papunta sa kinatatayuan ko, hanggang mapalapit na siya ng tuluyan sa akin, at isandal ang dalawang kamay para macorner ako sa punong nasa likod ko ngayon.
"Hmm," pumikit siya na tila ba inaamoy ako. Nanghihina ako, hindi ko siya maitulak. "Maganda ka, alam mo ba 'yon? Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit may taong kayang lumaban at ibigay ang puntos niyang napanalunan para sa iyo... Sa tingin mo bakit?" salita niya habang nakatitig sa mga labi ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, napapikit ako nang ilapit pa niya ang mukha niya sa akin.
Pero napamulat kaagad ako nang marinig ko siyang bumagsak, nakita ko si V na susugurin muli si Brent. Sinuntok niya ulit ito, dahilan para dumugo na ang ilong niya at pumutok ang labi niya. Hindi agad naka tayo si Brent. Umupo siya saka tumawa.
"Gago ka ba!?" galit na sigaw sa kaniya ni V, kita ang pamumula ng mukha at leeg niya sa galit, kung kanina ay namumula ito dahil sa araw ngayon ay mas namula dahil sa galit. "What do you think you are doing!!? Gusto mo bang hindi lang ako ang bumasag ng mukha mo?"
Hindi natigil ang mahinang pagtawa ni Brent, "What's special to that girl at handa kang makipagpatayan para sa kaniya?"
Bumuntong hininga si V, wala pa rin siyang suot na t-shirt hanggang ngayon kaya naiilang tuloy akong lapitan siya at tignan. Inisnaban niya si Brent bago bumaling sa akin saka ako hinatak hawak ang palapulsuhan ko.
"V," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nililingon. Nagpatuloy siya sa paghatak sa akin habang lumalakad kami papunta sa tapat ng building ng dorm namin. Napansin kong napapahinto at tumitingin na sa amin ang ibang estudyante at agents na nakakakita sa amin.
"V," muling tawag ko sa kaniya, nang huminto kami sa labas ng building ng dorm namin, nagulat ako nang humarap siya sa akin na may masamang mukha. Napalunok ako dahil doon, dagdag pa na nakakailang dahil wala siyang soot sa pang itaas.
"Bibigay--" hindi ko natuloy ang sasabihin nang magsalita siya.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo roon! Hindi na dapat pumupunta pa roon kung tapos na ang klase ninyo!" galit na sabi niya sa akin.
"Bibigay ko lang sana sa iyo ito," sabay abot ko sa kaniya ng towel at bottled water.
"Tss, iyan lang ang pinunta mo!? Bianca naman... Paano kung hindi agad ako dumating!? Ano nalang ang ginawa sa iyo ng gagong 'yon!" galit na sabi pa rin niya, sinusubukan na huwag sumigaw pero parang iyon ang nangyare.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...