Chapter 23

76 10 5
                                    

Protective

*Ivan's POV*

Gusto kong matawa sa mga reaction nila nang sabihin kong ex ni Dahlia si Hot Rookie na pinag uusapan nila. Siguradong naubos ang pasensya ni Dahlia sa kanila, kaya hindi na niya napigilan ang sariling sungitan ang mga babaeng agent na ito.

Alam na ni Dahlia na si Kuya Benedict si Hot Rookie, kaya siguro ay naiinis siya sa tuwing maririnig ang code name niya. Hindi ko alam kung bitter ba siya o sadyang apektado pa rin siya kapag naririnig ang pangalan o kahit anong tungkol kay Benedict.

"Her ex!!?" gulat at sabay sabay na sabi ng tatlong agent na nasa harap namin.

Pansin ko na rin ang ibang agent na nahinto sa kaniya kaniyang mga ginagawa nila, mabuti nalang at wala akong ibang mga trainees.

"Yup," maikling sagot ko.

"Imposible..." hindi makapaniwalang komento ng isang agent.

"Anong nangyayare? Nagtatalo ba kayo?" Napalingon ako sa gawing gilid ko nang marinig ko ang tinig ng kapatid ko, si Bianca.

"Hey," bati ko sa kaniya. Hinarap ko siya saka hinawakan sa magkabilang braso niya, saka siya sinusuri. "Are you okay?" I asked.

"Y-yes," ramdam ko ang pagkailang sa boses niya nang sagutin niya iyon.

"Bianca, bakit hindi ka nagpaalam?" nakatuon na rin ang atensyon ni Dahlia kay Bianca nang makita ito. Inalis naman ni Dahlia at tinabig ang mga kamay kong nakahawak sa braso ni Bianca.

"I'm sorry, Dahlia, tulog ka na kasi no'n. Uhmm, pumunta agad ako rito nang sabihin sa akin ni Black Lion ang nagyare, ayos lang ba kayo?" She said.

"Yes, Bianca. Ayos lang kami, kumusta si Vince?" I asked.

Tumango siya saka, "Bumubuti naman ang pakiramdam niya, nagpapahinga at natutulog lang siya ngayon, kaya nakaalis ako. Sa tingin ko... Kailangan tumulong na ako sa ginagawa at parusa sa inyo, kasalanan ko naman kung bakit ka nandito ngayon, Dahlia," ani Bianca.

"Okay lang, Bianca. Magpahinga ka nalang, samahan mo nalang muna si Vince roon, at baka kailanganin ka pa niya," sagot ko.

Napansin ko ang masamang tingin ni Dahlia sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay, "bakit?" I asked.

"Obviously, ako ang tinatanong, Dazzler, pero ikaw ang sagot nang sagot diyan kanina pa," masungit na sabi ni Dahlia.

"Oh, sorry, I'm sorry..." paghingi ko ng paumanhin.

"Ano palang nangyayare? Narinig kong nagsasagutan kayo ng mga agents," ani Bianca.

"Ahhh, wala, misunderstanding lang, Bianca. Kumain ka na ba?" tanong ko.

"Dazzler, bakit ba ang hilig mong makisawsaw sa usapan ng iba?!" naiinis na sabi ni Dahlia.

"Sorry naman, easy..." tinaas ko ang dalawang kamay ko na para bang sumusuko.

"Ivan..." napalingon ako nang tawagin ako ng isang agent na kausap namin kanina.

"What?" I asked.

"Totoo ba ang sinabi mo na ex ni Hot Rookie si Dahlia?" tanong niya.

"Yeah, stop asking," I said.

"Ano? Ex mo si Hot Rookie?!" gulat na tanong ni Bianca kay Dahlia, o-oh, hindi nga pala niya alam na si Hot Rookie at si Benedict ay iisa.

"Hindi totoo 'yon, Bianca. Tara na nga at tulungan mo nalang ako sa paglilinis" hinila na ni Dahlia si Bianca at nilayo sa amin.

Huminga ako ng malalim saka humingi ng paumanhin sa tatlo. Hindi pa pwede ngayon, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya, kung sakaling malaman na niya ngayon. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang lahat, sinabi rin ni kuya na kailangan kasama ko siyang magsasabi.

Espionage Academia(Spy Series #1)Where stories live. Discover now