Best
*Bianca's POV*
"I'm sure isa 'yan sa ma-e-evict." Komento ni Carol, habang nakaupo kami rito sa gilid ng isang malawak na gym hall dito sa EsMia.
Marami pa akong naririnig na naghihinayang para kay V, habang nasa gitna ito ng gym, inaayos ang kaniyang suot, katapat niya ang isang naka purong black na lalake na akala mo sa suot ay isang ninja.
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa kaniya dahil ni isa ay wala akong marinig na sumusuporta sa kaniya. Hindi namin alam kung ano ang kaya niyang gawin o kaya ba niya ang lahat ng ipinakita at diniscuss lang ni Sun at ma-perfect ito.
Aminado akong hindi ko kayang ma-perfect iyon, dahil hindi sapat ang mga oras na natira kahapon para makapag-ensayo pa. Tinuruan lang din kaming apat ni Dahlia, dahil maalam na ito kahit papaano, si Cherry naman ay marunong na rin dahil sa unang pagsali.
"Noong nakaraang taon binagsak lang niya ang Challenge na ito, pero nagkapuntos naman sa ibang challenge kaya kahit papaano ay hindi natanggal agad. Kaya sigurado akong, hindi niya kakayanin 'yan dahil hindi naman ito nagseseryoso." malungkot na sabi ni Cherry.
"Maybe.. This time, isa na siya sa mga unang matatanggal. -20 kung sakaling hindi niya ma-perfect ang score niya." si Dahlia.
"But, what is his reason, para bumalik pa kung ayaw naman pala niya seryosohin ito?" tanong ni Eileen. Ano nga ba ang rason niya...
Huminga ako ng malalim saka tumingin ng diretsyo kay V. Hindi ko alam, pero nalulungkot ako sa mga sinasabi nila ngayon para kay V. Inaamin kong umaasa ako kahit na kaunti na makakayanan ni V ito.
"Rest room lang ako," pagpapaalam ko sa kanila saka ako tumayo at umalis papunta sa Rest room.
Naghugas ako ng kamay saka tinitigan ang mukha sa salamin. Hindi ko maitago ang kaba ko sa mga magaganap ngayong araw, hindi pa ako ganoon kasigurado kung makakaya ko bang ma-perfect iyon. Hindi ko ugaling tumayo at magpakitang gilas na hindi pa sigurado ang mga gagawin ko. Ngunit dahil konting oras lang ang ibinigay ay kailangan ko pa rin subukan.
Pagkalabas ko ng rest room ay napansin ko ang isang familiar na lalake na lumabas galing rest room ng mga lalake.
"Black Lion!" tawag ko rito ng makilala ko kung sino siya, agad niya akong nilingon at nginitian.
"Number 8," basa niya sa rank ko, saka ito ngumiti sa akin. "It is good to see you here."
"Natutuwa rin akong makita kita Black Lion, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa mga pinadala mong panggastos ng lola at mga kapatid ko." mahabang sabi ko.
"You're welcome, Number 8," nakangiti pa ring aniya. "By the way, why are you still here? Magsisimula na ang 2nd Challenge ninyo." dugtong pa niya.
"Nag-rest room lang, medyo kinakabahan, marami pa akong hindi alam, pero I will really try my best para makipagsabayan sa mga marurunong at magagaling na," I said.
"Huwag mo silang sabayan, Number 8. Higitan mo sila, I know you can do it." pagpapalakas niya ng loob ko. I smiled to him, may kung ano sa puso ko na natuwa sa sinabi niya. Para ko siyang tatay na sinasabing 'kaya ko ito'.
"Thanks for the encouragement, Black Lion," mula sa puso na sabi ko. "Hmmm.."
"What is it? Do you still want to say something or what?" Black Lion asked.
"I'm just curious about V. Iyong pinasama mo sa akin para makapag-register ako sa EsMia. " ngumisi siya sa akin nang sabihin iyon.
"I think... Kulang ang oras na mayroon tayo ngayon para makapag-usap ng matagal. Let's go back to the Gym Hall." tanging sabi lang niya.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...