Fireworks
*Bianca's POV*
Ramdam ko ang pressure nang muli akong makarinig ng putok sa kalangitan. Fireworks, tanda na may muling nakatapos o nakapagbukas na ng pinto.
I sighed.
Nagpatuloy ako sa pag-abot ng pang-huling puzzle na kailangan kong makuha upang makumpleto na ang mga iniipon ko. Nadadaanan ko na ang falls dito noon, ngunit mabuti at naisipan kong maghilamos muna upang magising ang diwa ko dahil ramdam ko na ang antok. Nang makapaghilamos at napatingala ako sa kalangitan ay doon ko natanawa ang mga kawayan na may puzzle sa itaas no'n. Kaya naman dali-dali kong inakyat ang kawayan upang makuha na ang pang-huling puzzle ko.
Dalawa nalang ang nakita kong natitirang puzzle roon, ibig sabihin ay may mga nakakuha na ng mga kanya kanyang puzzle nila.
Napangiti ako ng tuluyan ko nang makuha ang inaabot kong puzzle at nang makakaba ay wala akong inaksayang oras, dahil abala ako sa paglakad at takbo papunta sa itaas ng kagubatan upang makuha ko ang susi sa pintong kailangan kong buksan. Malayo layo pa iyon, pero gayunpaman ay hindi ko ininda ang sakit ng katawan at mga paa ko. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.
Pasikat na ang liwanag nang tuluyan kong matanaw ang mga batong kailangan kong akyatin upang sa ganoong paraan ay mas mabilis akong makaakyat sa taas.
Delikado ang daan na napili ko, pero wala na akong panahon para magreklamo pa sa kung gaano kataas at nakakalula ang kailangan akyatin ko. Lalo na at walang safety gears na kailangan maisuot.
Nag-stretch muna ako ng katawan ko at sinampal sampal ko pa ang magkabilang pisngi ko bago mapagdesisyunang umakyat na.
Dahil sa mga ensayong napagdaanan namin ay naging madali nalang kahit papaano sa akin ang pag-akyat. Sinigurado akong hindi ako madudulas sa kakapitan at aapakan kong mga bato.
Ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang hapdi sa mga kamay ko. Tiniis ko ang sakit at pagod na nararamdaman. Mahuhulog ako kung hihinto at mananatili ako sa posisyon ko. Kaya naman pinilit kong mas kumapit at magpatuloy sa pag-akyat.
Nakakapagod.
Hindi ko na mapigilan humagulgol nang makarating ako sa itaas, kung saan naroroon ang susing para sa akin. Walang tigil ang pagluha at pag-iyak ko. Hindi ko alam... Hindi ko alam kung bakit ba ganito ako umiyak. Dapat ay masaya ako dahil malapit na akong matapos. Masakit ang mga kamay ko... Nakakaiyak ang sakit... Pero siguro ay dahil sa malapit ko nang mabuksan ang pinto na naghihintay sa akin kaya ako emosyonal ngayon.
Muli akong bumangon para mabuo ang puzzles na nakuha at nahanap ko. Hindi naging madali ang hamon na ito. Pero ang hamon na ito ang nagpakilala sa akin sa kung sino ba talaga ako. At kung ano ang mga kakayahan ko.
Hindi ako nagpahinga nang makuha ko na ang susi. Tuluyan nang nagpaalam pansamantala ang buwan sa kalangitan, at sumikat naman ang araw. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang nilalakaran ko, basta ay dumiretsyo lamang ako. Kumuha na rin ako ng manipis na putol na kahoy upang gawing tungkod. Iika-ika na akong naglalakad, nahihilo na rin ako sa kagutuman na nararamdan, lalo pa at wala pa rin akong tulog hanggang ngayon, sumasabay pa ang pagod na nararamdaman ko.
Nang matanaw ko na ang pinto sa lugar na sinundan ko mula sa mapa ay sinabi ko sa sarili ko na kaya ko pa, kaya magpapatuloy pa ako. Subalit habang nilalakad ako ang distansya papunta roon ay pakiramdam ko mas lalo akong lumalayo. Sobrang nahihilo na ako, umiikot na rin ang paningin ko.
Gayunpaman, pinilit ko pa rin ang sariling makalakad papunta sa pintong kailangan kong mabuksan. Laking ginhawa ko nang makalapit na ako roon, sunod-sunod tumulo ang mga luha ko habang binubuksan ang pinto gamit ang susing nakuha ko kanina.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
ActionDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...