Technology
*Bianca's POV*
"So, what do you think is the reason why I'm still here, not doing my best for the fourth time?"
Gusto kong maiyak nang itanong niya iyon sa akin, para akong bata na pinapagalitan dahil may hindi ako nasabing maganda sa pandinig niya.
"Why?" imbis na sumagot ay nagtanong ako.
Umiling siya saka sumagot. "I don't have an inspiration, Ibyang. I don't have a reason to be on top. I'm not inspired." seryosong sagot nito.
Hindi na ako nagsalita at nanahimik nalang. I'm guilty... Hindi ko iniisip ang mararamdaman niya. Hindi ko pa siya kilala nang lubos, pero kung makapagsalita ako ay para ba na matagal na kaming nagkasama at kilalang kilala ko na siya.
Pero bakit pa rin siya bumabalik dito? Kahit na wala siyang dahilan para makapasa pa. Wala ba siyang pamilya na p'wede niyang maging inspirasyon? Hmmm.. mayaman siya kaya siguradong may pamilya siyang gumagastos ng mga pangangailangan niya.
Ilang saglit pa ay pinili naming mga tapos na na kumain muna nang dumating ang gabi. Hindi pa natatapos ang mga estudyante. Sa dami namin ay siguradong gagabihin na kami.
Alas onse nang gabi nang matapos ang lahat. May mga nalungkot dahil hindi nakakuha ng kahit isang puntos, nagawa nilang maipakita ang nalalaman nila pero sadyang mali ang pangalan na ibinibigay nila sa mga techniques na ipinakita nila.
Nagbago na rin ang Rank number ng lahat, nanatili ai Ivan sa Rank niya na Number 1 dahil sa score niya na 30, pumangalawa sa bilang si Dahlia na may score na 27, mabilis naman bumaba ang rank ni dating Number 2 at 3 dahil mababa ang score na nakuha nila. Ganoon din ako na ngayon ay nasa pang-45 dahil sa 15 points na kabuuan ng score.
Si Barbie naman ay mabilis nakaangat at nasa pang-8 na bilang, ganoon din ng mga nakasama niya sa bilang na iyon, katulad ni V. Ang taas ng itinaas ng Rank niya, dahil sa 20 points na nakuha nila sa perfect score na ibinigay sa kanila sa second challenge!
Pagdating sa mga silid namin ay agad kaming nagsihilamos at napagdesisyunan na matulog na.
2 am nang magising ako ay agad akong naligo at bumaba para pumunta sa library. Hindi naman kasi iyon sinasara kaya ayos lang kung pumunta ako roon. Mga tulog pa ang kasama ko at ayaw kong mag-abalang buksan ang ilaw para lang makapagbasa ako.
Nang makapasok ako sa library ay automatic na bumukas ang mga ilaw. Mayroon ding mga robot doon, kaya hindi na ako natakot kahit pa mag-isa lamang ako.
Kinuha ko ang librong kakailanganin ko para maturuan ako sa tamang pagsulat ng kanji at hiragana. Tinawag ko ang isang robot na malapit sa kinauupuan ko para matulungan ako sa pinag-aaralan ko. May mga pinapakita at pinapanood pa siya sa akin, para malaman ko ang tamang bigkas noon, maging ang pagsulat.
"What are you doing? " nagulat ako nang may magsalita, napatingin ako sa kaniya, hindi siya familiar sa akin, sa dami ng estudyante dito ay hindi ko matatandaan.
"Hmm... study, " simpleng sagot ko.
Umupo siya sa harap ko saka ipinatong ang isang laptop sa lamesa. Ngayon ko lang napansin na may dala itong laptop.
"Hindi ba't bawal gumamit ng laptop dito?" tanong ko sa kaniya.
"Sa mga estudyante, oo, pero sa aming mga Secret Agents na, p'wedeng gumamit." aniya na ikinagulat ko.
"Sorry, akala ko estudyante ka." ngumiti siya sa akin.
"Huwag kang malito, hindi kami naglalagay ng device sa gilid ng damit namin dito, dahil hindi naman masyadong kailangan. ID lang, pero nakalimutan ko lang suotin." mahabang sabi pa nito.
YOU ARE READING
Espionage Academia(Spy Series #1)
AcţiuneDo you want to become a Secret Agent? What are you waiting for... Come and Join us to be part of our Secret Organization. Remove the "quit" and "can't" in your vocabulary now, because in Espionage Academia it's forbidden. Espionage Academia is a pr...