Prologue

172K 2.5K 717
                                    

Nandito ako sa office ng construction firm ni Kuya Cal, nakaupo sa harapan ng table niya. We were discussing about our parents' house, since nakapagpatayo na kami ng bagong bahay nila Mom at Dad ay plano naming ibenta ang dati naming bahay kung saan kami lumaki.

Nag-agree naman ang parents namin, hindi naman na 'yon natitirahan so mas maganda kung mabenta na nga.

"May buyer na daw ng house sabi ni Mom, Kuya," I said while scrolling on my phone.

Busy ako kaka-check ng emails ko, ang daming messages ng mga kaibigan ko.

Hindi nila ako ma-message thru social media accounts dahil matagal na akong hindi active, hindi rin nila alam ang number ko, kaya nga nagtataka ako kung paano nila nalaman ang email ko gayong hindi na ako masyadong nakikipag-communicate sa kanila.

Kagagawan ba 'to ni Chesca? That spoiled brat!

"Uh, huh,"

Iniangat ko ang tingin sa kanya, busy siya sa ginagawang blueprint.

Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa ginagawa, may kaonting kunot sa noo. He really got his features from Dad, halos carbon copy siya ni Dad tapos parehas pa silang intimidating tingnan.

Ako naman, as usual nagmana kay Mommy.

"We had many fond memories in that house kuya, hindi ka ba nanghihinayang?" I questioned.

It's not just a house, it means more than that, it's our home, that's our home where we grew up together. Sinulyapan niya ako pero ibinalik din kaagad ang tingin sa ginagawa.

"Hindi naman na nagagamit, bakit panghihinayangan pa?"

Tumango-tango ako. Ine-expect ko na naman na iyan ang isasagot niya kaya kahit ano namang sabihin ko ay talagang ibebenta na namin ang bahay.

Tumunog ang phone ko at nakitang may mga messages na naman from Dwight, isa sa mga naging kaibigan ko sa trabaho ko before.

"Your phone is distracting me,"

Tumayo na ako at nagpaalam nalang sa kanya.

"Yeah, right, babalik na 'ko sa coffee shop, ingat ka dito,"

"You too,"

Hindi niya na ako tinapunan ng tingin at seryoso nalang siyang nakatuon sa ginagawa.

Habang nasa biyahe papuntang coffee shop ay t'wing nasa stop light ay nagche-check ako ng email.

They've been bothering me since last week.

Party daw kami, nag-aaya din daw si Sir Tristan, ang dati kong boss para daw maka-catch up sa isa't-isa.

Wala kasi silang naging balita sa'kin mula ng umalis ako papuntang canada.

Nang bumalik ako dito ay nagplanong magtayo ng coffee shop, isang buwan na rin akong nakauwi and so far naman, tahimik ang buhay ko dito.

Walang issue, walang gulo, just myself living a lowkey life.

Naging pursigido si Dwight sa pagme-message sa'kin, as in, maya't-maya!

Hindi ko pa din siya nirereplyan.

Nang makarating sa Coffee shop ay nginitian ako ng mga staff ko, dumiretso ako sa maliit na office ko do'n.

Tinawagan ko si Chesca.

"The fuck do you want?" Malditang sagot niya.

"Did you give them my email address?" I asked already pissed.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon