Twenty Four

46.2K 1K 284
                                    

Bumaba ako pagkatapos ng tawag ni Kai. Kinakabahan parin sa narinig na mga putok ng baril kanina.

Nang makarating sa baba ay nadatnan kong kalalabas lang sa kitchen ng isang babae. What the hell! Paano siya nakapasok? May susi ba siya ng rest house ni Kai?

May hawak siyang isang apple, tumayo lang siya sa hamba ng kusina at sumandal ng bahagya doon, kinakagatan ang apple na hawak. Nakabukas na ang lahat ng ilaw sa baba. Mukhang pinagkakatiwalaan siya ni Kai dahil binilin niya ako dito, mukha ngang may susi rin siya dito pero bakit kanina'y kailangan pang kumatok instead na pumasok nalang?

"So.. you're his girlfriend huh.." aniya sa buong boses.

May kalakihan ang boses niya at kung pakikinggan ay parang.. nakakatakot! Ang suot niya ay kulay itim na leather pants, itim na shirt at may denim na jacket. Nakatirintas ang blonde na kanyang buhok. Maganda siya, matangos ang ilong, mahahaba ang mga pilik mata at mapula-pula ang labi.

Her eyes move down to my body and back to my face again.

"Weakness.. 'yan ang ayaw ko sa lahat,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong sinasabi niya d'yan?

"Instead of turning off all of the lights here, bakit hindi mo nalang labanan kung sakaling pasukin ka dito?" Nakataas ang kilay niya.

"Excuse me?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng iritasyon sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin? Kung sakaling pasukin ako dito'y lalabanan ko ang mga armadong 'yon? Nababaliw na ba siya?

Nilagpasan niya ako at umupo siya sa sofa ng living area, patuloy sa pagkagat sa apple. Yes, she's intimidating at parang ang powerful ng datingan niya. Ang aura niya ay parang kagaya sa mga assassin sa mga movies. Kung skilled siya at trained para lumaban sa mga armadong tao p'wes ako hindi. Mahal ko pa buhay ko para magrisk sa gano'ng bagay!

"You're afraid of bullets, it's fine. Lahat naman ay takot d'yan, lahat takot mamatay," makabuluhan pang sinabi niya.

"Paano ka nakapasok dito? May susi ka ba sa rest house?" Pumunta ako sa harapan niya.

Tinitigan niya ako, seryoso lang ang atensyon sa'kin.

"I can get in even if I don't have the key,"

Nagtataka akong napakunot ang noo sa kanya. So anong ginawa niya? Trespass 'yon ah! Kumagat ulit siya sa apple, tila wala lang sa kanya ang pagkagulat ko.

"Pumasok ka ng wala ang susi? Paano mo nagawa 'yon? Did you destroy the door?"

"You're too scared Miss, relax lang,"

Umiling ako. I put my arms under my chest.

"That's trespassing for your information,"

"So? Are you going to sue me? Go ahead Miss," ngumisi siya.

I cleared my throat! Naiinis ako sa taong 'to pero ayoko naman ipakita iyon dahil baka bigla niya nalang akong saktan dito.

Umupo ako sa loveseat na nasa kanan niya. Isa ba siyang pulis or what? Nakita ko pa ang nakasukbit na baril sa kanyang baywang kaya lalong kinabahan.

"Hindi naman sa gano'n. Anyway, pwede ba akong magtanong tungkol sa nangyaring mga putok ng baril sa labas?"

Kinalma ko ang sarili at seryoso nalang na humarap sa kanya.

"No,"

"Huh!"

"It's confidential, what's your name nga? Skye? As in sky flakes?"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon